Ng mabasa ko ito nalaman ko na si Nemo ay isang batang papel na nangangarap na maging isang totoong bata. Isang araw ang kanyang pangarap ay nagging totoo nagkaroon siya ng sariling pamilya, may mga kapatid. Bata palang ay natuto na siya na mag hanap buhay. May mga batang bata palang na naghahanapbuhay na dahil tumutulong na sila sa kanilang mga magulang, dahil kahit ang kanilang mga magulang ay hindi kumikita ng maayos at sapat sa isang araw. Kaya buong pamilya ay naghahanap buhay. Pero kahit lahat na sila ay naghahanap buhay na, hindi pa rin sila sigurado na sa paguwi nila ay may kakainin sila.
ng mabasa ko ito nalaman ko na si nemo ay isang batang papael na basta basta nalang hihiling kong kailan niya gusto.;":>............kaya tayong mga bata wag tayong hihiling nalang basta basta........><
Nemo, Ang Batang Papel
Sa kwentong ito, si Nemo, isang batang papel, ay humiling na sana ay maging tunay na tao siya dahil akala niya, ang pagiging tunay na tao ay ang bagay na makakapag-pasaya sayo. Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, natupad ang kanyang hiling. Siya ay naging isang tunay na tao. Ngunit nagkamali siya, Kahirapan ang una niyang naranasan. Napagtanto niya na mas magiging masaya siya kung siya ay mananatiling isang papel.
Sa sarili kong buhay, may mga bagay na mayroon ako na hindi ako nakukuntento. Ang isang halimbawa nito ay nung ako'y niregaluhan noong kaarawan ko noong Disyembre 23, 2012, Isang gadget na mahal ang ibinigay sa akin ng mga magulang ko. Natuwa ako dito. Ngunit noong sumapit ang pasko, wala akong natanggap na regalo. Nagulat ako sa nangyari. Kahit alam ko na may kakabili palang na regalo sa akin, naghangad ulit ako ng panibago. Nagtampo ako sa aking mga magulang. Ngunit napagtanto ko na maswerte ako dahil may regalo ako noong kaarawan ko.
Reply
tama
9/8/2014 07:23:33 pm
Reply
alexandra garcia
3/19/2017 02:54:13 am
anu po ba ang mga talasalitaan ng nemo ang batang papel
Adrielle Jasmine Baton
9/17/2013 11:29:18 pm
Sa kwentong 'Nemo, Ang Batang Papel', humiling ang batang papel na si Nemo na maging isang tunay na bata dahil naiinggit siya sa mga batang naglalaro sa kalye. Nagpakita ito ng hindi kakuntentohan sa kanyang kasalukuyang kalagayan. At nang siya ay maging tunay na bata, napag-isip isip niya na mas maganda pa ang kanyang buhay bilang isang batang papel kaysa bilang isang tunay na bata. Sa totoong buhay, may mga pagkakataon ring tayo ay hindi nakukuntento sa kung ano ang meron tayo. Pagtapos, nagsisisi tayo dahil mas makabubuti pa pala ang kung ano ang mayroon tayo dati.
Sa aking buhay, marami ring pagkakataon na ako'y hindi nakukuntento sa kung ano ang mayroon ako. Kung minsan, sinusuway ko ang aking magulang para makuha ang gusto ko. Ngunit sa huli, pinagsisisihan ko rin ito. Minsan, humihiling pa ako ng iba na higit pa sa kailangan ko kahit hindi naman dapat. At kagaya ng iba, sa huli pagsisisihan ko rin iyon. Iyon lang naman ang mga bagay sa buhay ko na may kinalaman sa kwento ni Nemo.
Reply
Adrielle Jasmine Baston
9/17/2013 11:36:28 pm
Sa kwentong 'Nemo, Ang Batang Papel', humiling ang batang papel na si Nemo na maging isang tunay na bata dahil naiinggit siya sa mga batang naglalaro sa kalye. Nagpakita ito ng hindi kakuntentohan sa kanyang kasalukuyang kalagayan. At nang siya ay maging tunay na bata, napag-isip isip niya na mas maganda pa ang kanyang buhay bilang isang batang papel kaysa bilang isang tunay na bata. Sa totoong buhay, may mga pagkakataon ring tayo ay hindi nakukuntento sa kung ano ang meron tayo. Pagtapos, nagsisisi tayo dahil mas makabubuti pa pala ang kung ano ang mayroon tayo dati.
Sa aking buhay, marami ring pagkakataon na ako'y hindi nakukuntento sa kung ano ang mayroon ako. Kung minsan, sinusuway ko ang aking magulang para makuha ang gusto ko. Ngunit sa huli, pinagsisisihan ko rin ito. Minsan, humihiling pa ako ng iba na higit pa sa kailangan ko kahit hindi naman dapat. At kagaya ng iba, sa huli pagsisisihan ko rin iyon. Iyon lang naman ang mga bagay sa buhay ko na may kinalaman sa kwento ni Nemo.
oo nga tama yan dapat makuntento tayo kung anong meron ka
Reply
mariel
10/14/2015 06:21:35 pm
TAMA........................
Reply
Althea Bianca Calderon
9/18/2013 12:00:44 am
Nemo, Ang Batang Papel;
Ang istoryang "Nemo,Ang Batang Papel" ay naghahatid ng aral saatin na hindi lahat ng gugustuhin ay makadudulot ng magandang epekto sa atin. Inihahatid din nito na hindi lahat ng bagay, pag nakuha na o nangyari na ay madaling pangatawanan. Kung minsan, ang bagay na ginugusto ay ang nagpapahamak sa atin at nagbibigay aral sa ating buhay. Dapat makuntento tayo sa lahat ng mayroon tayo. Maging totoo ka sa iyong sarili at wag humiling ng sobra-sobra.
Isang pangyayari na maihahalintulad ko sa istoryang ito ay nung ako'y 7 taong gulang,. Sa mga panahong iyon ay mayroon akong iniidolong mangaawit, lahat ng bagay na may pangalan o mukha nya ay aking pinabibili. pati 'stickers', damit, baso atbp. Hindi ako nakontento. Humingi ako ng sobra-sobra. Pabili parin ako ng pabili. Sa mga sumunod na araw, nalaman ko na mahirap ang trabaho na ginagawa ng aking mga magulang upang mabigay ang lahat ng aming gusto. Sa oras na iyon ay napaisip ako na hindi na ako na kuntento sa mga bagay na mayroon ako. Simula noon, ay tinigilan ko na ang pagpapabili ng mga ganung bagay. Sapat na ang 1 o 2 sa mga pinapabili ko.
Tulad ng istoryang "Nemo, Ang Batang Papel" Ginusto nyang maging isang normal na bata ngunit ng malaman nya na hindi madaling mabuhay, ay ginusto nyang maging sa dati nyang kaanyuan, ang batang papel. Natuto syang makontento kung ano man ang meron sya.
ano po ang problema sa kwentong nemo ang batang papel
Reply
asdas
8/16/2015 04:39:46 pm
fdsffcswala
\
Moira Jacine Tayao
9/18/2013 12:15:49 am
Ang kwentong "Nemo, Ang Batang Papel", ay tungkol sa isang batang nagnanais na maging isang tunay na tao. Tingin man niya sa kanyang sarili ay isang papel lamang na palipadlipad kasabay ang hangin, siya ay naiinggit din sa mga batang nakikita niya na kakayang maging malaya sa gustong gawin.mSa t'wing nakikita niya ang bata ay nakakaramdam siya ng inggit at kasabay non ang lungkot na tila nagbibigay ng kaisipan sa kanya na sana ay naging isang normal na tao na lamang siya. Nang siya ay naging tunay tao na, napagisip-isip niya mas maganda pa ang buhay niya bilang isang batang papel kaysa isang tunay na bata dahil hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo kaagad o makukuha mo sa lahat ng panahon.
Noon, madalas akong humiling ng mga bagay-bagay sa aking magulang na hindi ko naman kinakailangan. Madalas akong magalit at magtampo kapag hindi naibibigay ng aking mga magulang ang aking gusto. At kahit ilang beses pa nila akong pagsabihan na 'makuntento ka sa meron ka ngayon' ay hindi parin ako nakukuntento dito. Ngunit napag-isip isip ko din na tama ang aking mga magulang na makuntento na lamang dapat ako sa bagay na meron ako, lalo na kapag hindi naman ito gaano ka-importante saiyo. Maging masaya na lamang tayo at maging kuntento sa mga bagay na meron tayo at pagpasalamatan ito. :)
Reply
angel
9/4/2014 11:50:38 am
pls ilarawan mo ang batang kalye sa istoryang si nemo ang batang papel..
Ayon sa nabasa ko, Si nemo ay isang batang papel na naaksidenteng nilipad ng hangin at napunta sa iba't ibang lugar at nag-aasam na maging totoong bata at maging masayahing bata, pero nang hiniling niya na maging isang totoong bata, hindi niya inaasahang matutupad ito,at tuluyang naging bata na may mahirap na estado ng pamilya.Noong natupad na niya ang kahilingan, naging masaya siya at nakipaglaro sa mga batang kalye katulad niya.Pero nang naramdaman niya na hindi parin masaya ang kanyang pagiging totoong tao, inamin niya sa kanyang mga kaibigan ang kanyang totoong anyo at sinabi ang kanilang mga kahilingan, gusto nila ng magandang buhay at masaya, humiling ulit sila sa isang bituin, at hindi ulit inaasahang maging isang papel.Ayos lamang sa kanila na naging papel sila dahil mapapalayo na sila sa mahirap na buhay at walang sapat na pagkain.
Sa aking buhay, marami-rami rin ang aking mga kahilingan dahil sa inggit sa ibang tao,noong ako'y bata pa gusto ko palaging humingi ng humingi sa aking mga magulang tulad ng mga laruan at ang matatamis na pagkain.Nung pumunta kami sa isang pabilihan ng laruan,meron akong nakitang bumibili ng madaming laruan,nainggit naman ako, hingi ako ng hingi kay nanay ng pambili pero hindi niya parin ako binibili kaya ako'y nagtampo.Ngayon ko lang narealize na hindi sapat ang mainggit dahil kung may maganda ka ng buhay o pamumuhay hindi mo na kailangan pang magreklamo o maginarte pa dahil may maayos at masayang pamumuhay dahil mayroon ka ng sapat na pagkain at mababait na magulang.
Reply
ganda
8/31/2016 04:31:06 am
tama
Reply
Mikaela Ellaine Caritos
9/18/2013 01:23:55 am
May mga bagay sa ating buhay na hindi natin pinapahalagahan. Marami tayong gustong mangyari at makuha dahil hindi tayo makuntento sa mga bagay na meron tayo. Hindi masamang mangarap at maghangad ng magandang buhay ngunit dapat handa tayo sa mga balakid at pasakit na maaari nating pagdaanan dahil iyon ay parte ng ating buhay.Si nemo ay nangarap ngunit hindi naging handa sa negatibong pangyayari sa kanya.ang bawat saya ay may katapat na pighati.Ngunit na sa atin kung paano natin lalabanan ang mga pasakit sa buhay.Huwag panghinaan ng loob! Maging matatag lalo na kung ikaw ay my minimithi sa buhay.
Minsan ang inaakala nating maganda ay hindi pala.Minsa ang nakikita ng mga mata ay hindi tugma sa tunay na pangyayari.Madalas hinahangad natin na sana at maging katulad,maging kasing saya,maging maswerte ang paghahangad natin ng sobra ay maaring magdulot sa atin ng hindi maganda.Ang inggit ay ngdadala ng pangit n pangyayari sa buhay.Maging masaya sa iba!Magpasalamat sa lumikha at wag masyadong manghangad ng sobra.dahil magdudulot ito ng kapahamakan sa mga taong mapaghangad ng sobra sa buhay.Simpleng buhay ay kay saya!
Reply
John Allen B Estillomo
9/18/2013 06:54:00 pm
lahat ng tao ay minsan madumi mabaho at minsan naman mabango at maayos ang suot pero si nemo ang pangarap niya lang ay maging bata katulad ng iba pero naging papel siya sa huli kasi lahat ng binibigay ng diyos saatin ay may hangganan kaya dapat ingatan ito at natutunan ko sa kwento ni nemo ay kahit sino kaman kaya mo kung ginugusto mo pero may hanganan ito.
Reply
Gian Carlo M. Bautista
9/18/2013 07:24:58 pm
Nemo ay isang batang lalaki na gawa sa papel. Siya ay nagiging isang tunay na batang lalaki matapos na nagnanais sa mga bituin pinakamaklayong. Ngunit hindi kailanman Nemo nakararanas ang kaligayahan ng isang ordinaryong bata. Siya napupunta sa pamamagitan ng maraming mga hardships bilang siya sumusubok upang kumita ng pera sa isang mapanganib lungsod. Sama-sama sa iba pang mga batang kalye, Nemo nagpasiya na ito ay mas mahusay na maging isang batang lalaki na gawa sa papel. Kuwentong ito ay naglalarawan ng isang social problema na kasangkot mga bata. Mayroon din deal na may mga karapatan at mga pangangailangan ng mga bata at pati na rin ang papel na ginagampanan ng mga pamilya, ang komunidad, at ang pamahalaan upang tugunan ang mga bata sa ating mundo kaya mahalin natin ang mga magulang natin at tulungan natin ang mga batang lansangan dahil sila naman ngayon ang nangangailangan ng tulong sa atin.
Reply
Stacey Anne Limosnero
9/18/2013 07:34:13 pm
Ang kwentong "Nemo ang batang papel" ay tungkol sa isang papel na ginawa ng mga estudyante, na naaksidenteng nahangin at napunta sa iba't ibang lugar at nakita nya na sobrang sasaya ng mga bata isang gabi ay humiling sya sa pinakamalayong bituin na sana siya ay maging totoong bata at ito naman ay natupad pero hindi sila may kayang pamilya, nagkaroon siya ng mga kapatid. Sa murang edad siya ay kailangan ng mag trabaho upang makakain kayod siya ng kayod isang gabi may nakita syang madaming batang kalye na naglalaro at kinausap nya ito tinanong nya kung gusto nyo ba maging masaya?. Sila ay humiling sa langit at ito ay natupad sila lahat ay naging batang papel.
Ang natutunan ko sa kwentong ito ay dapat tayo makuntento kung ano man ang meron tayo dahil ito lang ang kaya ng mga magulang natin dahil kung ano naman gusto mo gagawin naman nila kung pwede naman diba dahil ang mga magulang natin ay masaya kung masaya tayo. Hindi lahat ng mahirap ay nanatiling mahirap kung ikaw ay may pangarap pero dito sa kwentong ito nais lang ni Nemo na maging masaya. Lahat tayo ay gusto maging masaya...
Reply
Stacey Anne Limosnero
9/18/2013 07:37:46 pm
Ang kwentong "Nemo ang batang papel" ay tungkol sa isang papel na ginawa ng mga estudyante, na naaksidenteng nahangin at napunta sa iba't ibang lugar at nakita nya na sobrang sasaya ng mga bata. Isang gabi ay humiling sya sa pinakamalayong bituin na sana siya ay maging totoong bata at ito naman ay natupad. Nagkaroon sya ng magulang at mga kapatid, pero sila ay mahirap lamang. Sa murang edad siya ay kailangan ng mag trabaho upang makakain, kayod siya ng kayod isang gabi may nakita syang madaming batang kalye na naglalaro at nagkukumpulan sa parke. kinausap nya ito tinanong nya kung gusto nyo ba maging masaya?. Sila ay humiling sa langit at ito ay natupad sila lahat ay naging batang papel.
Ang natutunan ko sa kwentong ito ay dapat tayo makuntento kung ano man ang meron tayo dahil ito lang ang kaya ng mga magulang natin dahil kung ano naman gusto mo gagawin naman nila kung pwede naman diba dahil ang mga magulang natin ay masaya kung masaya tayo. Hindi lahat ng mahirap ay nanatiling mahirap kung ikaw ay may pangarap pero dito sa kwentong ito nais lang ni Nemo na maging masaya. Lahat tayo ay gusto maging masaya...
ITO NA TALAGA :)))
Reply
Janus Isaiah Quiambao
9/18/2013 08:12:32 pm
"Nemo, Ang Batang Papel"
Ang kwentong ito na isinulat ni Rene Villanueva at tungkol sa isang batang yari sa ginupit-gupit na dyaryo saka pinagdikit-dikit. Siya si Nemo. Araw-araw, tuwing hapon ay pinapanood ni Nemo ang mga naglalarong bata. Siya ay nainggit sa kanila at siya rin ay gustong maging katulad nila. Isang gabi ay sinabi niya sa bituin ang kanyang hilig. Nang matupad ang hiniling ni Nemo ay napilitan naman siyang maghanapbuhay-isa sa mga problema ng ating bansa ngayon. Nang matupad ang hiniling ni Nemo ay lalo siyang naghirap sa kamay ng kahirapan.Noong isang gabi ay nagtipon-tipon siya at ang mga bata na kasama niya at doo'y hiniling sa bituin na sila'y maging mga batang masiyahin. Sa pagwawakas ng kwento ay lahat nga mga bata-kasama si Nemo ay naging mga batang papel.
Sa mundong ating ginagalawan ay lahat tayo ay naghihikahos. At dahil sa paghihikahos na ito ay hindi na natin masyadong napapahalagahan sa ating makakaya at tayo ay hindi nakukuntento dito. Lingid sa ating kaalaman na kahit ang mga bagay na kakapu-kapurit ay makakapagbigay sa atin ng kasiyahan.Sinasabi rin nito na 'wag na tayong maghintay nang umulan ng mga graysa upang tayo ay makuntento. Ang buhay ng isang indibidwal ay punong puno ng mga paghihikahos at mga suliranin pero ang mga bagay na ito ay may karampatang ginhawang binibigay kaya dapat tayo ay makuntento na dito.
Ako rin ay nakaranas na ng hindi makuntento sa mga bagay na hinahawakan ko ngayon. Katulad nang hindi ako makuntento sa kung gaano karami ang mga pamaskong ibinibigay sa akin noong bata pa man ako. Hindi ako nakukuntento puwes ay ako ay naiinggit pa. Nagtampo ako noon kahit pa man ay magpapasko na noon. Galit na galit ako noon pero napairal ko pa rin ang lamig ng ulo. Naranasan ko na rin ang mapagsabihan ng mga salitang maliligoy. Gayunpaman ay natutuhan ko nang makuntento sa mga biyayang ipinagkakaloob ng Diyos sa akin kaya ngayon ay nagpapasalamat ako sa kaniya.
Reply
irene samson
9/18/2013 08:14:13 pm
nabasa ko ang kwentong "nemo ang batang papel" ang kwentong ito ay tungkol sa isang batang papel na nangangarap na maging batang masayahin kaya humiling siya sa bituin at nagkatotoo naman ang kanyang hiling naging isa siyang bata ngunit ang tatay niya ay walang trabaho at may walo siyang kapatid kaya mahirap sila habang siya ay nangangalakal may nakita siyang mga bata na katulad niya kaya humiling ulit sila sa bituin na maging batang masayahin at natupad ulit yon sila ay naging batang papel at linipad sila ng hangin.
marami naring pangyayari na humiling ako pero sana hindi nalang pala ako humiling at sana naging kuntento ako natutunan ko sa mga pangyayari na ito na dapat magingat ako sa mga hinihiling ko.
Reply
Christian Jose T. Vargas
9/18/2013 08:27:13 pm
Ang Kwentong "Nemo ang Batang Papel' ay tungkol sa isang papel na humiling sa isang malayong bituin na maging isa siyang batang lalake
natupad naman ang kanyang kahilingan at nagkaroon siya ng pamilya
kaso nga lang sila ay mahirap lamang sa kabataan/murang edad niya kailangan niya mag trabaho para sa (pamilya/ para sa magulang niya at sa mga kapatid) at isang gabi may nakita siya mga batang kalye at kinausap niya ang mga batang kalye at tinanong kung masaya ba ito sa kanilang buhay.at humiling mga ito sa bituin at naging papel silang lahat para maiwasan at malayo sa kahirapan at kalungkutan
ang natutunan ko sa kwentong ito ay kung ano ka tanggapin mo ito at magpasalamat ka sa diyos na ginawa kaniyang especial sa kanya at sa mga magulang mo at kaibigan mo at at natutunan ko rin na ginawa tayo ng diyos na may dahilan at may misyon tayong dapat gampanan dahil kung sino ka ay mananatiling ikaw parin ang taong yun
Reply
Denzel Mateo :)
9/18/2013 08:28:27 pm
Conversation started August 27
8/27, 12:32pm
Dudz Detera
Uy
8/27, 12:33pm
Denzel Jonas Mateo
Sir good evening
po
Wednesday
9/18, 1:30pm
Denzel Jonas Mateo
sir good evening po
message ko n lng po sa inyo yung assignment po
9/18, 1:39pm
Denzel Jonas Mateo
Ang pangarap ni Pete
Si pete ay isang estudyante na may pangarap sa kanyang buhay, maging masaya, magkaroon ng mga kaibigan at mamuhay na minamahal, kaya lng lagi siyang mapag-isa, napapaaway at napapahiya dahil sa kanyang masamang ugali ang pagiging mayabang
noong dumating siya sa baitang grade 6 parang may nararamdaman siya na mali ang ginagawa niya at pagmamayabang sa kanyang kapwa
kaya napagisipan niya ang panagarap niya noong siya ay musmos pa lng
nagkaroon siya ng determinasyon sa pagaaral ng kanyang mga kamalian at mga nasaktan niyang kapwa at isang araw meron siyang ipapasabi sa kanyang mga kaklase na "pangako ko sa inyong lahat na ibabago ko na ang ugaling ito"
pagkatapos noon si pete ay nagbago ng paunti ng paunti napapansin ito ng kanyang mga kaklase at nagkakaroon na rin siya ng mga maraming kaibigan at masaya na siya dahil alam niya na kung paano maging simple, masayahin, at ang pinakaimportante ang hindi pagwala ng tiwala sa Diyos kaya siya ay nabubuhay ngayon na masaya at maraming kaibigan kaya ngayo'y natupad niya na ang pangarap niya kaya niya na kilalanin ang kanyang mga kaibigan at gayon rin ang kanyang sarili
araming salamat po sa pagbabasa sir :))
yung weebly ko po ay denzel05.com tnx po icocopy ko n lng po ito doon kapag mabilis na po ung net po namin
Reply
:D
3/7/2014 04:49:05 pm
Reply
Angelica
7/1/2014 09:20:50 pm
Hello;)
Jillian France Demerre
9/18/2013 08:29:26 pm
"Nemo, Ang Batang Papel"
Ang kwentong nabasa ko ay naglalaman na si Nemo ay isang batang papel. Gusto niya tumawa tulad ng totoong bata. Gumalaw tulad ng totoong bata. At ito'y hiniling niya sa pinakamalayong bituin. At siya ay naging totoong bata. Ngunit hindi niya alam na mahirap maging bata lalo na kung ikaw ay mahirap. May mga ibang tao na nagtatrabaho sa murang edad. At nalaman niya na Mahirap ng maging totoong bata. Tinipon niya ang mga kasama niyang batang lansangan at sila ay humiling ulit na Gawin silang batang masayahin. At sila ay naging batang papel.
Katulad din ako ni Nemo na gustong sumaya at magpabili ng mga laruan sa aking mga magulang. Pero, noon hindi ko naiisip ang kanilang pagod para lang mabilhan ako ng laruan. Naisip ko na habang ako'y nagdadalaga. Nasasayang lang ang mga laruan na binili ng aking mga magulang. Kaya imbis na ito ay itapon, dapat natin ibigay ito sa mga batang lansangan kasama na rin ang mga pagkain na ibibigay.
Reply
Lois Phillip Suba
9/18/2013 08:31:46 pm
Si Nemo ay isang batang papel na pinaggupit-gupit para sa proyekto ng mga estudyante naisip ni Nemo na gusto nya maging isang totoong bata kaya humiling siya na maging totoong bata at ito'y natupad ito kaso napunta siya sa mahirap na pamilya at hindi siya gusto ng mga tao at bagay kaya naisip din nya na mahirap maging totoong bata kaya't naisip niya na gusto niyang bumlik sa pagiging batang papel at kasama niya ang kanyang mga kaibigan nya at lahat sila ay naging batang papel....
Isang Pangyayari sa buhay ko namahahantulad ko sa buhay ni nemo ay yung grade 4 or 5 ako, lagi kong nagpapabili ng sapatos kahit sinasabi ko na last na to next year naman ulit hindi parin ako binili at napagisip-isp ko na mali pala yun dapat makuntento ako sa mga bagay na meron ako kaya paminsan nalang ako nagpapabili at magmalapit nang masira doon lang ako magpapabili
ito ay mahahalintulad sa kwento ni nemo na isang papel na humiling namaging bata pero mali pala yung ginawa niya
Reply
Jemalyn Aloria
9/18/2013 08:34:15 pm
Sa kwentong si ''Nemo,ang batang papel",hinangad ni nemo na maging isang tunay na tao.Ang akala nga ay masaya at maganda ang maging isang tao na bata.Ang hindi niya alam ay mas masaya at maganda maging isang batang papel,dahil noong siya ay batang papel pa ay hindi niya iniisip kung paano siya mabubuhay.Nalaman niya na maradi din pala siyang katulad na mga bata na sa pagbabasura lamang nakakakuha ng pera o pagkain para sila ay mabuhay.
Maging ako man ay nakaranas na nito,dati ay hindi ako nakukuntento sa mga pagkain na inihahanda ng aking magulang.Hindi ko alam na maswerte pala ako dahil may mga pagkaing naihahanda ang aking magulang,madami ako ang bata na bihira lang makakain at makakain ng mga masasarap na pagkain.Kaya simula nang mapag isip-isip ko ito nakukuntento na ko na may mga biyaya pa ring dumadating sa aming buhay.
Reply
Alex Nicolle Surio
9/18/2013 08:51:00 pm
Nang mabasa ko ang kwentong ito maryoon akong maiihalintulad sa buhay ko nung bata pa ako. Dahil nung bata pa ako lagi ako nagpapabili ng mga gamit kahit na buo pa ang mga gamit ko. Ayun, dumami ng dumami. pero napagisip-isip ko na mali pala yon, dapat makuntento ka sa mga bagay na mayroon ka. Pwede ka naman magpabili ngunit kapag sira na o hindi na magagamit ang bagay na papalitan mo.
Reply
Luke Devero ツ
9/18/2013 09:03:52 pm
Si Nemo ay isang batang papel na pinangarap maging masayang batang tao,at nung nahangad nya ay napapunta sya sa mahirap na pamilya na kailangan mag trabaho upang bumangon sa kahirapan kailangan nya rin mag sikap upang tulungan ang kanyang mga kapatid at pamilya ngunit hindi nya iniisip kung paano siya mabubuhay Nalaman niya na marami din pala siyang katulad na mga bata na sa pagbabasura lamang nakakakuha ng pera o pagkain para sila ay mabuhay...
Hindi ko alam na maswerte pala ako dahil may mga pagkaing naihahanda ang aking magulang,madami ako ang bata na bihira lang makakain at makakain ng mga masasarap na pagkain.Kaya simula nang mapag isip-isip ko ito nakukuntento na ko na may mga biyaya pa ring dumadating sa aming buhay.
Reply
Louis Frances Advincula
9/18/2013 09:13:10 pm
Nemo, Ang Batang Papel
Ayon sa aking nabasa, ang kwentong "Nemo, Ang Batang Papel" ay tungkol kay Nemo, isang batang papel na ginawa ng mga batang estudyante. Isang araw, siya'y aksidenteng hinangin at napunta sa iba't-ibang lugar kung saa'y nakita niya ang mga batang naglalaro ng masaya. Nainggit siya dito sa mga batang ito dahil sila'y masaya kaya hinangad niyang maging isang bata tulad nila. Isang gabi, humiling siya sa pinakamalayong bituin sa langit na siya'y maging isang tunay na bata, at kahit hindi niya inaasahan, ito'y nagkatotoo. Nagising siya sa isang maliit na bahay at sa isang pamilyang mahirap lamang. Dahil nalaman niyang isa na siyang tunay na bata, siya'y tuluyan nang nakipaglaro sa ibang mga bata. Ngunit, dahil sa kanilang kahirapan, kinailangan niyang magtrabaho habang nag-aaral. Noong siya nama'y nasa paaralan, itinataboy siya ng iba pang mga bata at gamit dahil sa marumi niyang itsura. Dahil dito, siya'y nalungkot at pinili na lamang na maglakad-lakad. Habang siya'y naglalakad, doon lamang niya napansing marami rin palang mga batang mahirap at kumakayod para lang may makain kaya isang gabi, itinipon-tipon ni Nemo ang iba pang mga batang kalye sa isang bahagi ng parke at nakipagkwentuhan sa kanila. Sa karanasan niyang ito, nalaman niyang pare-pareho lamang pala silang gustong magkaroon ng maayos at masayang buhay. Nang malaman niya ito, ipinagtapat niya ang pagiging batang papel niya noon. Kinuwento niya sa ibang mga bata na ang kanilang hiling ay matutupad kung sila'y hihiling sa pinakamalayong bituin, tulad ng kanyang ginawa. Sabay-sabay silang humiling na sana'y lahat sila'y maging batang masayahin at ito'y natupad. Sa isang iglap, lahat sila'y naging batang papel na palutang-lutang lamang sa hangin.
Ang kwentong ito'y maihahantulad ko sa marami-rami na ring pangyayari sa buhay ko. Noong bata ako, tuwing magtitipon-tipon ang aking pamilya tuwing pasko, makikita ko ang mga regalong natatanggap ng aking mga pinsan. Ako'y kadalasang naiinggit sa kanila dahil mas marami ang natatanggap nilang regalo kesa sa akin. Minsan, tinatanong ko pa sa kanila kung pwedeng akin na lang, ngunit sinasabi lagi sakin ng mga magulang ko na makuntento sa kung anong meron ka, pero magagalit lang ako at magdadabog. Ngayong mas tumanda na ko, nakita ko na kung gaano kahirap ang buhay at hindi pwedeng makuha lahat ng gusto. Ngayon ko lang napansin na mas mahalagang mayroon tayo ng mga bagay na kailangan natin, tulad ng ating masayang pamilya at maayos na pamumuhay, kaysa sa mga bagay na gusto natin.
si nemo ay isang batang papel na pinaggupit gupit para sa isang proyekto ng mga estudyante na ang pangarap ay maging isang masayang bata at nung ito ay na hangad na ay napunta sya sa mahirap na pamilya na kailangan ng mga trabaho kaya kaylangan nya rin mag trabaho para makatulong sa kanyang pamilya pero hindi nya inisip na kung paano sya mabubuhay at na marame syang katulad na bata na walang makaen at mahirap lamang...
ngayon kulang nalaman na ang suwerte ko kase nakakapa aral ako sa magandang paaralan at may nakakaen araw araw at hindi na ako kaylanan mag trabaho para may makaen.......
Reply
Maica R. Revilla
9/18/2013 09:41:13 pm
Kung tutuusin isang simpleng hiling ng isang bata ang gusto ni Nemo sa kwentong "Nemo ang batang papel". Ito ay ang magkaroon ng mapagmahal na magulang, maayos na tahanan, masayang paaralan, sapat na pagkain at higit sa lahat ang maging isang batang masayahin. Ito ang mga bagay na alam ko na meron ako Pero bakit kung minsan ito ay di natin nabibigyan ng halaga. Di natin nasusuklian ng mataas na grado ang ating mga magulang sa pagpapaaral sa atin sa maayos na paaralan. Pero isipin natin na ilang bata ang nagsusumikap at nangangarap makapag aral sa kagaya ng eskwelahan na meron tayo. May mga panahon na nasasayang natin ang pagkain na nakahain sa ating hapag kainan na kung iisipin ay may mga batang namumulot sa basurahan ng pagkain para mapawi ang kanilang gutom. Halos lahat ng bagay na naisin natin ay meron tayo. Subalit tayo minsan ang hindi nagpapahalaga sa mga bagay na meron tayo.
Ang aking kadalasang nakikita sa kalsada ay ang mga batang marurusing, namamalimos ng pera at pagkain at paslit na nagbabanat ng buto sa murang edad. Kagaya ni Nemo ay ito rin ang ginagawa nya upang lumaban sa buhay. Kung ating iisipin ang mga hiling ng batang si Nemo ang nasasa ating kamay o halos abot kamay na natin. . Tayo bilang bata na nakakaranas ng kasaganaan sa buhay ay dapat mag isip isip na bigyan natin ng halaga kung ano ang ating natatamasa ngayon. Wag nating sayangin lahat ng meron tayo bagkos pagyamanin natin ito, pasalamatan at pahalagahan.
Gusto mo pa ba maranasan ang lahat ng naranasan ng batang si Nemo bago ka magbago?.
Reply
Joshua Eser
9/18/2013 09:46:21 pm
"Si Nemo, ang batang papel"
Ito ay ang istorya ng isang batang papel na nangangarap na maging tulad ng isang ordinaryong bata na may magulang at mga kapatid, ngunit isang araw siya'y nahawi ng isang mapaglarong hangin at nakalabas sa iskuwelahan na siya'y natambak dahil nasa bakasyon pa ang mga batang magaaral, at pagtapos noon ay siya'y gumawa ng ng isang hiling na maging isang bata sa pinakamalayong bituin sa langit, pero hindi siya pinalad at nagkaroon ng isang mahirap na pamilya. Ngayo'y nagsisisi siya at gusto nalang ulit niya bumalik sa pagiging isang batang papel, may nakita siyang mga batang lansangan na katulad niya at napagpasyahan nila na maging mga batang papel nalang at sila'y humiling ulit sa bituin na maging mga batang papel at silang lahat ay naging mga batang papel.
Ang aral na natutuhan ko dito ay maging kuntento ka sa mga bagay na meroon ka ngayon.
Naihalintulad ko ito sa buhay ko ngaun kasi dati noong ako'y bata pa ako'y mahilig magpabili ng mga kung ano-anong mga gamit kahit galit na sila mama pinipilit ko silang ipabili yung mga bagay na itinuturo ko pero noong tumanda ako ng kaunti, napagisip-isip ko na ito pala ay isang masamang bagay kaya noon ako'y humingi ng patawad sa aking nanay dahil sa palaging palaturo sa mga bagay na gusto kong bilhin at ako'y nakukuntento na sa mga bagay na meron ako ngayon.
ang kwentong "Nemo, Ang Batang Papel" ay tungkol sa isang batang papel na ginupit gupit. Iasng araw aksidenteng napunta si iba't ibang lugar dahil sa hangin. nakakita sya ng mga batang naglalaro, nainggit sya. isang gabi humiling sya na maging tunay na bata at naging totoo. Nagising siya sa isang maliit na bahay at sa isang pamilyang mahirap lamang. dahil sya ay naging totoong bata. nakipaglaro sya sa mga ibang bata. dahil mahirap sila, kailangan nyang magtrabaho. . Habang siya'y naglalakad, doon lamang niya napansing marami rin palang mga batang mahirap at kumakayod para lang may makain kaya isang gabi, itinipon-tipon ni Nemo ang iba pang mga batang kalye sa isang bahagi ng parke at nakipagkwentuhan sa kanila. Sa karanasan niyang ito, nalaman niyang pare-pareho lamang pala silang gustong magkaroon ng maayos at masayang buhay. Nang malaman niya ito, ipinagtapat niya ang pagiging batang papel niya noon. Kinuwento niya sa ibang mga bata na ang kanilang hiling ay matutupad kung sila'y hihiling sa pinakamalayong bituin, tulad ng kanyang ginawa. Sabay-sabay silang humiling na sana'y lahat sila'y maging batang masayahin at ito'y natupad. Sa isang iglap, lahat sila'y naging batang papel na palutang-lutang lamang sa hangin.
Ang kwentong ito ay nagsasabing swerte tayo. dahil tayo ay kumakain araw-araw. tayo ay naliligo araw-araw. tayo ay magarang damit. tayo ay may pera. at madami tayong kaibigan. si Nemo ay isang batang mahirap na kailangasn magtrabaho.:)))
Sir pano ung prezi?
Reply
Jeffrey E. Liwanag
9/18/2013 10:10:02 pm
"Si nemo ang batang papel"
Si "Nemo" ay isa lamang papel na walang napansin sa kanya. Iginupit lang siya nang mga bata at ang kanyang hiling ay sana maging totoong bata na siya dahil tuwing nakikita niya ang mga bata gusto niya makipaglaro sa mga ito. Tapos noong isang araw humingi ito nga isang hiling sa malayong bituin at ang kanyang hiniling na ay sana maging totoong bata na ako,pagkalipas ng ilang oras dumilat ito at naging totoong bata na nga siya nasa pamilya siya ng mga mahirap lamang.Ang kuwento nga naman ni nemo ay isang papel na gustong maging bata kaya para sa mga mag-aaral nakatulad ko wag nating sayangin ang pagaaral natin dahil ito lang ang paraan para makatapos tayo sa ating pag-aaral
Reply
Fatima Louise C. Estrada
9/18/2013 10:39:05 pm
" Nemo, Ang Batang Papel "
Ang storyang ito ay tungkol sa isang batang papel na nagngangalang Nemo. Ayon sa storya, Isang araw ay nilipad lipad siya dahil sa hangin. Sa isang punto ng storya, Nakita niya ang mga batang masiyahing naglalro. At naingit siya dito, Kaya humiling siya sa pinaka malayong bituin na sana maging totoong bata siya. At natupad ito, Pero napagtanto niya. Ng nakalipas ang ilang pagkakataon ay nalaman niya na di lahat ng bata ay masaya katulad ng mga nakita niya, Kaya nagtipon tipon silang mga batang musmos at humiling na maging batang papel. At dito nagwawakas ang storya.
Naihahantulad ko ito sa mga iba't ibang pangyayari sa buhay ko, Minsan. Bilang tao, Nakakarandam rin naman ako ng mga pagseselos. At minsan, Pagnakikita ko ang mga ibang tao na napaka rami nilang mga regalo sa buhay. Naiingit rin naman ako pero, Naiisip ko na rin ang mga ibang bagay na meron ako ay pangarap lang ng mga ibang bata at nawawala ang selos ko sa mga makamundong bagay, At napapalitan ito ng paguunawa.
Reply
Mico napomuceno
9/19/2013 07:15:14 am
Si nemo ay isang batang papel na pinaggupit-gupit na newspaper. Isang araw si nemo ay inilipad ng hangin at dinala ng hangin si nemo sa palaruan kung saan maraming mga bata naglalaro palagi nanonood si nemo dito tuwing hapon. Si nemo ay naingit kaya humiling ito na sana maging isang tunay na bata at ito nga ang nangyari kaso ngalang napunta si nemo sa mahirap na pamilya at si nemo ay tumakbo palayo dahil ayaw niya dito dahil sa pagtakbo ni nemo meron siya nakita na mga bata na katulad niya rin naging kaibigan ni nemo ang mga bata. Nagkwento-kwento ang magkakaibigan tungkol sa kanilang buhay nang matapos na ang kwentuhan na pagdecide na si nemo na bumalik sa dating anyo kaya ito humiling sa isang iglap lahat sila ay naging batang papel inilipad sila ng hangin at masaya sila dahil maluwag na ang kanilang pakiramdam. A. Ang natutunan ko sa kwento naito na dapat ay mahalin natin ang ating buhay at dapat makuntento na tayo sa ibinigay ng diyos.
Reply
Stephanie Anne G. Enciso
9/19/2013 07:28:31 am
"Nemo ang Batang PaPel"
Ang tungkol sa mga kabataang naglipana sa mga kalsada at overpass at kung saan saan pa. Parami na ng parami ang mga taong naghihirap sa ngayon. Kung mapapansin mo karamihan na sa kanila ay mga bata at walang pang alam, subalit natuto ng mamalimos upang may maipantawid gutom. Marami sa ating mga tao ang laging may katanungan sa ating isip kung bakit lalong lumalala ang kahirapan gayong napakarami ng presidente ang dumaan, umupo sa trono at nangako subalit walang naging pababago, hayy!! Buhay ng tao minsan nasa ibabaw ka ngunit kadalasan lagi kang nasa ilalim.Pero ibahin mo si Nemo iisang batang papel na ginawa ng mga batang estudyante.Na Nangarap maging na Bata Natupad naman iyon.Ngunit noong sya ay nagng bata,na naging malupit naman ang kanyang mga magulang.Pero lumaban pa rin sya sa kahirapan,Araw araw syang nagtatrabaho para may makain sila sa araw araw.
Ang kwentong ito'y maihahantulad ko kay Joyce Alexa
Payat, maiksi ang buhok, may mga butlig butlig sa braso at paa, pagala-gala, kinaaawaan ngunit kadalasa’y pinandidirihan, nanlilimos, humihingi ng piso.
Siya si Joy Piso kung tagurian ng mga tao. Akala ko noong una, piso talaga ang apelyido nya, yun pala, halaw lang pala ito sa madalas mamutawi sa kanyang bibig tuwing ilalatag niya ang kanyang mga kamay.
“Piso mo nga!”
Ito ang bukambibig niya sa kahit sinong makasalubong. Noong una, hindi ko masyadong pinagtutuunan ng pansin at isip si Joy Piso. Katwiran ko, sino ba siya para pag-aksayahan ko ng aking panahon. Hindi naman ako taga-DSWD, lalong hindi kami mayaman na kayang magtatag ng foundation.
Pero isang pangyayari ang nagbunsod sa akin na magkainteres sa kanya. Palabas ako noon ng paaralan ng makita ko si Joy Piso. Bigla na lang niya akong hiningan ng piso. Ewan ko ba pero bigla ko na ang dinukot ang natitirang piso sa aking bulsa at ibinigay sa kanya. Tuwang tuwa siya, bakas ko sa kanyang mukha ang kasiyahan sa pisong ibinigay ko.May mabibili na naman siya ng kanyang makakain, naisip ko. Pero bigla akong natigilan ng mahulog niya ang pisong ibinigay ko sa kanya, tumilapon ito at gumulong sa kalye na naging dahilan upang habulin niya ito sa gitna ng mga rumaragasang sasakyan. Muntik na siyang masagasaan kundi lang nakapagpreno ang mamang driver.
Tigagal ako sa aking nasaksihan. Hindi ko lubos maiisip na ganun pala kahalaga sa kanya ang pisong iyon, na kahit pati buhay nya ay handa nyang isugal.
Nagsimulang umusbong ang aking interes sa kanya. Tinatanong ko ang aking sarili kung bakit sya nagkaganun, ano ang mga pangyayari sa kabila ng kanyang buhay pagala-gala? May pamilya pa ba siya? May pangarap pa ba sya? Masaya kaya sya? Nalulungkot din ba siya?
Sabi ng matandang kapitbahay namin, matalino raw si Joy Piso subalit dahil dito ay nabaliw siya. Hindi ko naman lubos na mapaniwalaan ang mga sinabing ito ni Lola Elang kasi pakiwari ko ay hindi naman talaga baliw si Joy. Sabi ng iba, inampon raw siya ng isang mayamang mag-asawa noong siya ay bata pa. Mayaman daw ang mga ito, naranasan daw ni Joy ang magbuhay mayaman, nung umalis papuntang Amerika ang mga nag-ampon sa kanya, may binilinan daw na tagapagalaga kay Joy, maganda pa rin naman daw ang buhay niya noon, pero mula ng mamatay ang nag-aalaga sa kanya, naging palaboy-laboy na siya, wala na ang mga dating kaibigan niya noong siya ay may pera pa.
Ngayon, mag-isa na lang siyang bumubuhay sa kanyang sarili, kung saan saan natutulog, kung kani-kanino humihingi ng piso at pagkain para lang mabuhay. Hanggang sa makahanap siya ng tirahan sa isang matandang nag-iisa, pinatuloy sya sa kanyang bahay at dito na sya tumitira.
Marami pang kwento ang naririnig ko tungkol sa kanya. Sabi ng iba, may anak daw sya. Nabuntis daw sya ng isang drug addict na sinamaham niya. Isinilang nya ang bata pero pagkatapos non ay kinuha ito sa kanya at bumalik sya rito sa Castillejos.
Hindi ko alam kung totoo ang mg kwento-kwentong ito tungkol sa kanya, kaya nga naging isang hamon sa akin ang alamin mismo kay Joy kung tooto nga ba ito.
Dumating ang aking pagkakataon, minsan nakasabay ko sa paglalakad si Joy. Gaya ng dati, hinihingan na naman ako ng piso. Sabi ko sa kanya, hindi lang piso ang ibibigay ko sa kanya kung sasagutin nya ang mga tanong ko. Pumayag naman sya.
Pinaulanan ko sya ng aking mga tanong. Tinanong ko kung totoo ang mga nababalitaan ko.
Ano ang pangalan mo? Ilang taon ka na? Totoo bang mayaman ka dati? Paano ka naghirap? Anong pakiramdam ng isang katulad mo? Nalulungkot ka rin ba? Masaya ka ba kung minsan? Tooo bang nagbuntis ka raw at nagkaanak?
Madami akong tinanong sa kanya pero iling lang ang naisagot nya sa akin. Naramdaman ko na lang na parang may bumara sa lalamunan ng dating madaldal na si Joy. Hindi ko matukoy pero alam ko at ramdam kong may nasaling ako sa kanyang damdamin. Iniba ko ang aking tanong.
May pangarap ka pa ba? Matagal bago niya ako sinagot.
“Dapat pa bang mangarap ang isang katulad ko?”
Balik tanong niyang sagot sa akin sabay lakad
Reply
MAY FRANCISCO
8/27/2014 07:00:28 pm
TAPOS
Reply
Andrea Nicole O. Lachica
9/19/2013 08:41:18 am
"Nemo, Ang Batang Papel"
Sa storyang ito may isang batang papel na nangagarap maging isang totoong bata. Ang pangalan niya ay Nemo. Siya ay pinunit-punit, ginupit-gupit, at pinagdikit-dikit. Sa matagal na panahon, naiwan siyang kasama ang ibang papel sa gilid gilid. Isang araw, dinala ng hangin ang batang papel kung saan-saan hanggat makapunta siya sa isang palaruan. Nakita niya ang mga batang
naglalaro at inisip na gusto niya maging
isang tunay na bata at natupad naman ito.
Lahat tayo ay may hinihiling sa buhay na wala sa atin pero dapat matuto tayong maging kontento sa kung anong meron tayo
Reply
Cary James De Villa
9/23/2013 09:35:04 am
Si Nemo ang batang papel
Siya ay nagsimula sa pagiging proyekto ng isang bata, dinala siya ng hangin papunta sa parke at dito Niya nakita ang mga batang naglalaro gusto rin Niya makisama sa kanila kaya gusto Niya maging totoong bata. Ngunit naranasan Niya ang Hirap kaya nung pumunta siya kasama ang mga kaibigan at hiniling nila na maging comportable
Reply
Continuation cj de villa
9/23/2013 09:41:16 am
Sinasabi dito na ang mga pangarap ng mga bata ay maging comportable sa buhay at iyun ay ang maging batang papel. At dapat Tayo ay huwag nating asarin ang mga batang mahirap, maliit pa Lang ay naghahanapbuhay na. Ang maging batang papel ay ang pinaka magaling.
Reply
Bianca Alcantara
9/23/2013 10:10:48 pm
'NeMo Ang batang papel''
Nang Nabasa Ko itoo May isang batang papel na nangangarap sya na maging isang totoong bata. na iingit sya palagi sa mga batang naglalaro ung mga batang nakakabato ng bola, Mga Batang Nakakaigaw nang malakas. May nagsabi na pag ikaw daw ay nakakita nang kumikinang na bitiun un daw ang pinakamalayong bitiun kaya nag wish si nemo na sana ay maging totoo syang bata at natupad! nga ang wish ni nemo pero nagbago ang lahat nakita nya ang totoo nyang pamilya tatay nya na walang trabaho nanay nya na sobrang payat parang butiki mahirap lang sila.. sa huli may nakilala syang mga batang katulad nya na mahihirap riin nag wish sila sa pinakamalayong bitiun na sana sila ay maging batang papel at nagkatotoo nde na sila nahirapan simula nung nging batang papel sila doon sila lahat na naging masaya at doon nagtatapos ang kuwento.
ayon sa nabasa kong si nemo ang batang papelnangangarap sya na maging isang totoong bata. na iingit sya palagi sa mga batang naglalaro ung mga batang nakakabato ng bola, Mga Batang Nakakaigaw nang malakas. May nagsabi na pag ikaw daw ay nakakita nang kumikinang na bitiun un daw ang pinakamalayong bitiun kaya nag wish si nemo na sana ay maging totoo syang bata at natupad! nga ang wish ni nemo pero nagbago ang lahat nakita nya ang totoo nyang pamilya tatay nya na walang trabaho nanay nya na sobrang payat parang butiki mahirap lang sila.. sa huli may nakilala syang mga batang katulad nya na mahihirap riin nag wish sila sa pinakamalayong bitiun na sana sila ay maging batang papel at nagkatotoo nde na sila nahirapan simula nung nging batang papel sila doon sila lahat na naging masaya at doon nagtatapos ang kuwento.