6/30/2014 10:13:39 pm
Ang aking pagsusuri sa programa nina Iyah at tekla ay ang mga:
ANGEL HIDALGO
6/30/2014 10:19:58 pm
Sa aking napanuod na isang komedya na ang mga nag tatanghal ay dalawang bakla na si Tekla at si Iya. Sa kanilang pag uusap nagamit sila ng salitang Balbal. Ninais nila mag patawa at mag paligaya sa mga manunuod kaya gumamit sila ng mga nakaka tuwang mga Pick Up Lines at jokes. Naging mabenta sa akin at mga kaklase ang kanilang mga pinaghandaang mga biro. Naging maeffort sila sa pagddeliver ng kanilang pagtalastasan kase magaling mag in- character silang dalwa. Wala pa silang sinasabi at ginagawa pero hindi mapigilan ng labi ko na tumawa agad agad. Simula umpisa, kalagitnaan at kahuli hulian naging matagumpay ang kanilang naging pagtatanghal masasabi kong sila ay propesyonal na komedyante. Wala akong nakitang takot o kaba na kanilang naramdaman habang sila ay umaarte tuloy tuloy lang sila sa pag papatawa.
Noche, Abiel I. (I-BSHM-HRM)
6/30/2014 10:26:18 pm
Sa Aking Panonood Kila Iya At Tekla, Na Pansin Ko Na Sila Ay Gumamit Ng Iba't Ibang Klase O Antas Ng Wika, Gaya Ng Mga Sumusunod Balbal Na Dinamiko Sa Lahat,Kolokyal,Panlalawigan,Pormal,Variety,Idyolet,Sosyalek, At Ng Ding-Dong.
Queni C. Llandelar (I-BSHM TOURISM)
6/30/2014 10:28:49 pm
Ano ba ang wika? Paano natin malalaman kung tama ba o mali ang paggamit natin sa ating wika?
Borcilango,Shaira D. I-BSBA-MA
6/30/2014 10:33:01 pm
Para sa aking sariling pananaw at pagsusuri, bagama't lahat ng katangian,teorya,antas o ano pa man ng isang wika ang nabigyang buhay ng mga naturang komedyante,hindi rin iyon masyadong nabibigyang pansin ng mga manunuod. Mas naging kapansin-pansin at kaakit-akit lamang ang kanilang pagtatanghal dahil marahil sa mga salitang balbal na kadalasan ay nilalapatan nila ng iba't-ibang tunog at punto. Ang ganitong sistema ng pagamit ng wika ang kadalasang nagiging mabenta at patok sa ating mga Pilipino. Ngayon,masasabi kong talagang patuloy ang pag-unlad ng wika dahil sa mga mkabagong ideyang pag gamit ng salita natin ngayon na talaga namang tinatangkilik. 6/30/2014 10:34:50 pm
Panget pero may talent" mga katagang tumatak sa isip ko sa unang rinig. Ou nakakatuwa pero kung iisipin tila masakit pakinggan na tawaging kang panget pero trabaho nila yan at binabayaran sila dun. Pero sa kabilang banda dapat mo din namang isa alang alang ang mararamadaman ng tao pag sinabe mo ang mga bagay na maaring makasakit sa kanila. Ang pangalawa tinututulan ko pa ay ang pag puna ni Iya sa bantas na gamit ni tekla sa paraang ito nakakapamahiya siya ng tao. Na dapat ay itama na lang niya. Pero hindi eh tinatama niya nga pero nanlalait pa din.
Emilie O. Pialan
6/30/2014 10:38:22 pm
Sa aking napanuod , ang dalawang tauhan ay gumamit ng ibat ibang antas, barayti o iba pang pagkilala at uri sa wika sa kanilang pakikipag usap.
Emilie Pialan
7/10/2014 11:32:12 pm
Bakit nga ba nagbabago rin ang wika kapag umunlad ang kultura?
Melissa Fabian ( I-BSBA/MA)
6/30/2014 10:41:57 pm
Para sa akin ang video nina IYA at TEKLA ay masasabi kong gumamit sila ng iba't ibang antas ng wika. Dahil kung iyong pupunahin ung paraan ng kanilang pakikipagusap sa isa't isa masasabi mo na ito ay BALBAL at DI PORMAL sapagkat gumagamit sila ng mga salitang pangkalye at yung paraan ng pagsasalita nila ay pabalang at pasigaw. Ngunit kung iyong uunawain ang kanilang mga sinasabi, sila ay gumamit ng iba't ibang wika na PANLALAWIGANIN tulad ng Bisaya, Batangueño. At sa buong Video masasabi mo na ito ay isang paraan na ginagamit upang magpatawa o makuha ang atensyon ng tao kahit na di na angkop ang wikang kanilang ginagamit.
Bosquillos Lance Chloe I BSHM Tourism
6/30/2014 10:42:41 pm
"Panget pero may talent" mga katagang tumatak sa isip ko sa unang rinig. Ou nakakatuwa pero kung iisipin tila masakit pakinggan na tawaging kang panget pero trabaho nila yan at binabayaran sila dun. Pero sa kabilang banda dapat mo din namang isa alang alang ang mararamadaman ng tao pag sinabe mo ang mga bagay na maaring makasakit sa kanila. Ang pangalawa tinututulan ko pa ay ang pag puna ni Iya sa bantas na gamit ni tekla sa paraang ito nakakapamahiya siya ng tao. Na dapat ay itama na lang niya. Pero hindi eh tinatama niya nga pero nanlalait pa din.
Shiella Mae Sevillo
6/30/2014 10:44:48 pm
Sa sagutan nila Tekla at Iya sa unang tingin parang panay balbal ang usapan ngunit para sa akin halos lahat ng antas ng wika ay nagamit dahil kung iintindihin mo ang bawat bitaw nila ng linya doon mo lang masasabi na nandoon nga lahat ng antas.Oo ito ay isang komedya pero ito ay lalabas rin na parang balagtasan ng dalawang tao na ginawang katuwaan.Sa pagsasalita ni Tekla sa salitang "DIT" na imbis date siya ay gumamit ng antas na lalawiganin.Balbal naman sa kanilang paraan para magpatawa ng manonood.Poramal naman sa ibang linya lalo na kapag nagamit ng ibang lenggwahe si Tekla. 6/30/2014 10:45:50 pm
Para sa aking naging pagsusuri sa video nina Iyah at Tekla, maraming uri ng wika ang kanilang naipahayag. May balbal, may pormal at ang tinatawag na lalawiganin. Balbal, halimbawa na lamang nito ang mga pick up lines na kanilang ginamit upang makapagbigay aliw sa mga manonood.Sa pormal naman. ay ang paggamit ni Tekla sa wikang Ingles na kadalasa'y ginagamit natin sa pormal na pag uusap. At lalawiganin, ang mga salitang animo'y pang Bisaya. Tulad ng pagsasabi ni Tekla sa salitang "date" ni binibigkas nya bilang "dit". Kung iyo lamang panonoorin ang videong iyon ay hindi mo na mapapansin pa ang mga wikang kanilang ginamit. Bagkus ay mas naaliw tayo sa kanilang pagtatanghal at hindi na natin naisip ang mga bagay tungkol sa wikang kanilang ginamit. Ngunit bakit nga ba kailangan natin pagtuunan ng pansin ito? Kung ako ang tatanungin, ito'y dahil dapat na may pakialam tayo sa wikang ginagamit ng bawat isa sa atin dahil ito ay ang ating sariling wika, ang Wikang Filipino.
Marie Jean P. Hilaria, II-BSBA-MA
6/30/2014 10:53:10 pm
Pagsusuri sa palitan ng salita nina Iya at Tekla
Marinez, Faye M, (I-BSBA-MA)
6/30/2014 10:54:14 pm
Sa aking mailap na panonood, pakikinig at pagsusuri, masasabing marami o higit sa isa at iba't ibang uri, antas at sistema ng wika ang ginamit sa pakikipagtalastasan ni Iyah at Tekla.
Ellaine Cardoza I-BSBA (MA)
6/30/2014 10:54:59 pm
Ayon sa aking pag susuri ang pag uusap nila Tekla at Iya ay sumasang-ayon sa mag antas ng wika . Sila ay gumagamit ng antas na BALBAL dahil sila ay lumilikha ng ibat ibang pananalita. Sa antas IDYOLEK naman, sila ay gumagamit ng kanilang salita na kung saan asy tinatawag nating "Beki Words". SOSYELEK katulad ng asking sinabi ayon sa IDYOLEK , Gumamit sila ng kanilang pana2lita na "Beki Words". Ginamit nilas ang pana2litang ito dahil sinasang ayunan nila kung anong uri ng tao sila. KOMUNIKASYON , silang dalawa ay nag bibigayan ng mensahe para sa isat isa ast tinutugunan din naman nila ito sa pamamagitan ng BALBAL na sagot.
Barrameda, MOnique A. l-BSBA-MM
6/30/2014 10:57:02 pm
Ayon sa aking sariling pagsusuri, lahat ng antas, katangian at teorya ay nagamit ng dalawang nagsasalita. Karamihan dito ang BALBAL na kalimitan at nakasanayan ng isalita ng mga tao kaya marahil naipapakita at ginagamit na nila ito dahil may mga makakaintidi ng mga manunuod. Panlalawigan, dayalek, Idyolek ang malimit nilang magamit na mga salita. Pero lahat ng ito ay nangangahulugan na lamang na sila ay nakikipagkomunikasyon sa isat isa. Kaya tulad ng nasabi nina Gray at wise, " Kung ang tao ay walanf komumikasyon, wala sa mga institusyong pantao ang industriya, relihiyon at iba pa.
Krisha May A.Lobos
6/30/2014 10:57:21 pm
Sa videong napanood namin sa klase ay masasabi kong ito ay naglalaman ng ibat-ibang klase ng pananalita para aliwin ang mga manonood.Mga salita na napapanahon ngayon.Gumamit sila ng mga salitang balbal na karaniwan nating maririnig sa mga kalye.Gumamit din sila ng mga pick-up lines na syang tinatangkilik ng henerasyon ngayon..
Ella May Alcantara
6/30/2014 11:07:48 pm
Masasabi kong karamihan sa ginamit ng dalawang bakla ay balbal dahil gumagamit sila ng mga salitang pangkalye tulad nalang ng mga pick-uplines na kanilang binanggit. Masasabi ko ring di formal ang kanilang ginamit dahil nagsasalita sila ng ayon sa kanilang edad nila at katayuan sa buhay.
jasmin claire baroƱa
6/30/2014 11:15:31 pm
Ang comedy video nina IYA at TEKLA ay nagsasaad ng mga uri at iba't ibang antas ng wika. Isa sa mga antas ng wika na kanilang ginamit ay ang BALBAL dahil sa mga 'pick-up lines" na kanilang ginamit. Gumamit din sila ng PANLALAWIGAN na antas dahil sa mga punto ng mga salitang ginamit nila. Ito ay sumasalamin sa mga iba't ibang lugar na gumagamit ng ganung uri ng punto. At ang huli ay PAMBANSA, gumamit sila ng mga salita na naiintindihan ng kahit na sino mang makapanood nito.
Frances Dianne D. Deblois (I-BSBA-M.A)
6/30/2014 11:31:52 pm
Ang Video na ito na kung saan pinapangunahan ng Dalawang Comedyanteng sina IYA at TEKLA ay tunay nganmg nakapagbigay aliw sa akin. Sa Kabilang Banda, kung ating susuriin ang video na ito ng mabuti ay matutuklasan naten na ibat ibang antas at variety ng wika ang kanilang ginamit. Isa na rito ay ang paggamit ng salitang BALBAL , gaya na lamang ng mga salitang karaniwan at nauuso sa panahon ngayon na kung tawagin ay PICK-UP LINES. Ganunpaman, gumamit pa din sila ng salitang pambansa na siyang nag bigay daan upang maintindihan ito ng mga manunuod . Gumamit din sila ng mga salitang kolokyal na kung saan may mga salitang ingles silang ginamit na mas kinikilala na sa panahon ngayon. Sa paraan din ng kanilang pag uusap, masusuri naten na ang WIKA ay malaki ang ginampanan sa kanila upang makabuo ng mga pag uusap na makakapagpaALIW sa manunuod. Nakita naman natin kung paano sila nagpalitan ng IMPORMASYON na kung saan may naghahatid ng mensahe at may tumatanggap. Bilang kabuuan,. ang WIKA na ginamit nila ay napakalaking sangkap para makapagbigay di lang ng aliw kundi nakatulong rin ito kung paano itama ang mga salitang ating binibigkas.
Capule, Kenneth A.
6/30/2014 11:48:21 pm
Ayon po sa aking pagsusuri sa napanuod
Ella Mae C. TeƱido (I-BSHM-TOURISM)
7/1/2014 12:29:39 am
Sa akin opinyon, sa akin/amin napanood ang dalawang komedyante ang mayroon kanilang angkang galing sa pag bibigay ng kanilang ideya sa isa't-isa na para bang sila ay nakikipag talastasan sa pamamagitan ng kanilang komunikasyon isa silang halimbawa ng 'Modelo ni Schramm' ayon sa kanya ito ay ang two way process ng komunikasyon o mas kilalang Encoding at Decoding.
Cristine Joy Santos (I-BSHM-TOURISM)
7/1/2014 10:59:40 am
Ayos sa aking obserbasyon, Ipinakita ng dalawang komedyante ang pakikipagkomunikasyon ng pa BALBAL at DI-PORMAL. Dahil sa mga wikang ginamit nila naipapakita na hindi ito ang ordinaryong wika na ginagamit nating mga pilipino. Gumamit din si sila ng tinatawag nating pick-up lines. Di-Pormal dahil yung mga ibang salita ay hindi naibabanggit ng maayos. Yun lang po. Salamat :)
Rhodelia N. Mendoza (IV- BSBS-MM)
7/1/2014 01:34:27 pm
Base sa aking napanuod ipinakita ng dalawang komedyante na si Tekla at Iya kung paano pasayahin ang mga manonood, magaling silang makalikha ng mga salita katulad na lamang ng salitang BALBAL na alam naman natin na ito ang pinakamababang uri ng wika. Napansin ko rin ang maling pagbigkas ng mga salita or (pronunciation). Yun laman po at Maraming Salamat Po :)
Ella May Alcantara I-BSBA MA
7/1/2014 09:37:26 pm
Sa aking napanood nasuri ko ang ibat-ibang antas ng wika tulad na lang ng lalawiganin dahil sa mga sinabi ni Tekla tulad nalang ng "dit" imbis na date "iport" imbis na effort at at "irplane" imbis na airplane pinapahulugan nito sa kanyang pananalita ang pagiging bisaya. napansin ko din ang kanyang sinabi na "pronouncement at pronouncion" which is tumutukoy sa kolokyal kung saan binawasan nya ang salitang pronunciation. At alam naman natin na karamihan sa kanilang paguusap ay balbal dahil sa mga pick-up lines na kanilang binitawan. Masasabi ko ding nasa antas sila ng di-formal dahil naguusap sila ng naayon sa kanilang edad at katayuan bilang tao kung saan parehas nman silang beki. Yun lang ho at maraming salamat :)
Pennsyl R. Salvania(I-BSHM-TOURISM)
7/1/2014 09:41:41 pm
Sa aking napanuod na maikling komedya may dalawang bakla na nagpapatawa si tekla at iya. Si tekla ay magaling mag joke o magpatawa dahil mabilis siya makaisip ng salitang kanyang gagamitin upang makapagpatawa. At magaling din siya kumata. Ganun din naman si iya. Ang dalawang baklang ito ay magaling sa pakikipagtalastasan at sila ay gumagamit din ng mga salitang balbal. Masaya sila panuorin lalo na nung sinabi ni tekla na "panget man ako atleast may talento". Masaya ang kanilang ginawa at madaming kalokohan. Naging matagumpay naman ang kanilang pagpapatawa dahil lahat kaming magkakaklase ay naging masaya sa mga kulitan nila. Ayun lang po.
Pennsyl R. Salvania(I-BSHM-TOURISM)
7/1/2014 09:50:42 pm
1. Ano ang tunay na pangalan ng lupang hinirang?
Kit Angelou Pantorilla (I-BSHM-HRM)
7/1/2014 09:55:33 pm
Ang palabas na inyong ipinapanood ay nagpapakita ng komunikasyon dahil sa pagpapaligtan ng usapan na maihahalintulad sa two way communication ni Schramm.
Noche,Abiel I. (I-BSHM-HRM)
7/1/2014 09:59:54 pm
Marcha Nacional Filipina.
Pennsyl R. Salvania(I-BSHM-TOURISM)
7/1/2014 10:01:18 pm
1.Ano ang tunay na pangalan ng lupang hinirang?
ABIEL NOCHE
7/1/2014 10:43:31 pm
SORRY NAUNA NA AKO HAHAHA!
Ella Mae C. TeƱido (I-BSHM-TOURISM)
7/1/2014 10:02:08 pm
Ang Lupang Hinirang o “Marcha Nacional Filipina”, Pambansang Awit ng Pilipinas, ay isang marcha na binuo ni Julian Felipe at unang pinatugtog sa Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite noong 12 Hunyo 1898. Matapos ang isang taon, ang tula na “Filipinas, Letra Para La Marcha Nacional” na isinulat ni Jose Palma ay ang naging titik ng pambansang awit.
Kit Angelou Pantorilla (I-BSHM-HRM)
7/1/2014 10:04:12 pm
Noong ika-5 ng Hunyo 1898 hinirang ni Hen. Emilio Aguinaldo si Julian Felipe, isang piyanista at kompositor na taga Kabite, na umakda ng isang martsa para sa mga maghihimagsik. Pagkaraan ng anim na araw, (ika-11 ng Hunyo) ipinarinig niya ang kanyang nabuong komposisyon kay Hen. Emilio Aguinaldo at sa mga tenyente nito. Pinamagatan niyang Marcha Filipino Magdalo. Pinagtibay noon din ang tugtugin at tinawag na Marcha Nacional Filipina (Pambansang Martsa ng Pilipinas)
Scott Abidin Gene M. Barrinuevo
7/1/2014 10:07:18 pm
Sa aking napanood ay gumamit sila mg mga salitang balbal na pang kalye o pang kanto lang . Tulad ng pagsasabi na ang panget mo pero may talento ka . Sa aking pananaw, okay na kahit pangit atleast may talento . At gumamit din sila ng salitang di-berbal tulad ng pick-up lines . At dahil sa "KOMUNIKASYON" ay madami silang napapatawa kasi sa mga lines na binibitawan nila .
Jona Jane Eusebio ( I-BSHM-TOURISM)
7/1/2014 10:11:21 pm
Base sa napanood ko noong lunes, sina Tekla at Iya ay gumamit ng mga salitang balbal upang makapagpasaya o makapag-aliw ng mga manonood. May mga sinabi din silang mga "pick-up lines" na tayo rin ang nag-imbento.Naipakita din nila ang "di-berbal" sa ekspresyon ng kanilang mukha. Halimbawa na lang ng sabihan ni Iya si Tekla ng "panget". Pinahihiwatig ni Tekla na nainis ito o naasar sa sinabi ni Iya.May iba't ibang antas antas ng wika din silang ginamit. Tulad ng "irplane" imbis na airplane,at "dit" imbis na date. Hindi rin pormal ang kanilang mga salita dahil hindi nila nababanggit ng ayos ang ibang mga salita.Ngunit kahit hindi pormal ang mga salitang ginamit nila, marami silang naaliw na tao at masasabi ko rin na napakahusay nilang komedyante.Lalo na si tekla :) ganda ng boses .
Jona Jane Eusebio (I-BSHM-TOURISM)
7/1/2014 10:21:13 pm
Ang "Lupang Hinirang" ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Binuo ni Julian Felipe ang himig noong 1898 at ang mga titik ng awit naman ay inangkop mula sa tulang Filipinas na isinulat ni Jose Palma sa wikang Kastila nuong 1899.Nagsimula ito bilang isang martsang pang-instrumental na ipinag-atas ni Emilio Aguinaldo na gamitin sa pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya. Marcha Filipina Magdalo ang unang pangalan nito ngunit binago at naging Marcha Nacional Filipina matapos hirangin ito bilang pambansang awit ng Unang Republika ng Pilipinas.
Cristine Joy Santos
7/1/2014 10:31:23 pm
Sinasabing ang “Marangal na Dalit ng Katagalugan" na nilikha ni Julio Nakpil ang unang naging pambansang awit ng Pilipinas bago ang “Lupang Hinirang."
Kristelle Anne S. Limaco (I-BsHM-HRM)
7/1/2014 10:53:27 pm
Ang aking komento ukol sa napanuod naming maikling palabas na pinagbibidahan nina Tekla at Iya na parehong komedyante sa isang bar. Habang sila ay nangaaliw ng mga manunuod ay gumagamit sila ng mga salitang balbal o mga salitang kalye,gumamit din sila ng pormal at di pormal na salita.. Na ikinatutuwa ng mga manunuod. Kahit na maraming salitang hindi magandang pakinggan ay nataguyod pa rin nilang gawin ang kanilang palabas. At nagpakita rin sila ng talento ng mga pinoy ang pagkanta.
Kristelle Anne S.Limaco (l-BSHM-HRM)
7/1/2014 11:00:11 pm
Anu ang tunay na pangalan ng Lupang Hinirang?
John Nico D. Sajul (1-BSHM-HRM)
7/1/2014 11:22:09 pm
Sa aking napanuod na isang komedya na mga performer na si Tekla at Iya. Gumamit sila ng Antas ng Komunikasyon at iyon ay PANGMASA o PANGMADLA, gumamit din sila ng salitang Balbal, gumamit din sila ng mga pick up lines at jokes. Magaling sila gumanap kasi sabi nila mahirap daw mag patawa ng tao, at dahil performer at professional na sila sanay na sila sa barahan at lokohan kahit minsan "Hard" na nakakaya padin nila at natatapos ng maayos at maganda.
Ana Carolina Gamba | I-BSBA MA
7/1/2014 11:23:44 pm
(Tekla at Iya) Ang dalawang komedyanteng ito ay gumamit ng wikang balbal o ‘yung salitang pang-kalye. Gumamit din sila ng mga salitang sumasalamin sa kanila nakasanayan o ‘yung bekimon. May mga eksena rin na nagbatuhan sila ng mga “pick up lines”. Gumamit din sila ng wikang panlalawigan, dahil may eksenang nagsalita si Iya ng wikang ginagamit nila sa kanilang probinsya. May mga pagkakataong nagsalita sila ng ingles na wikang kolokyal. Kung sa tono naman ng kanilang pagsasalita, may mga pagkakataong sila ay galit, dahil sa pang-iinsulto nila sa isa’t isa sa paraang mapapatawa nila ang kanilang manunuod. Komunikasyong interpersonal ang kanilang ginamit dahil nagbabatuhan sila ng kanilang saloobin at naiparating nila ang kanilang nais sabihin sa isa’t isa. Dahil nga sa wikang kanilang ginamit, mapapatunayan na ang ating wika ay may dynamics at nagbabago. Naging malikhain sila sa kanilang wikang ginamit dahil naaliw nila ang kanilang mga manunuod.
maria lieza c.schwiglhofer (I-BSBA-MM)
7/1/2014 11:24:27 pm
ang aking komento sa napanood kung video maraming wika ang ginamit pero base sa aking narining maraming balbal O mga salitang pang kalye o pang kanto ang ginamit tulad ng pagsabi ng panget mo at gumamit din sila ng salitang di-verbal tulad ng mga pick-up lines at gumamit din sila ng pormal at di pormal na salita .At dahil sa komunikasyon ay marami silang napapatawa kasi sa mga salitang binibitawan nila .......
John Nico D. Sajul (1-BSHM-HRM)
7/1/2014 11:46:57 pm
When the Marcha Filipina Magdalo (later renamed Marcha Nacional Filipina) was composed by Julian Felipe to serve as the national march of the Philippines at its proclamation of independence in 1898, it was purely instrumental and without words. It was only a year later that a young soldier by the name of Jose Palma penned the poem Filipinas which would serve as the first set of lyrics sung to accompany the Marcha. sa aking panonood at pakikinig sa palabas ni iya at tekla gumamit sila ng balbal na salaita. bukod sa Balbal may mga ginamit pa cla kagaya ng Sosyalek, Idyolek, Pormal at iba pa. nasapansin ko sa mga pag kilos nila ung mga gusto nilang ipahiwatig kagaya ng pag taboy sa kamay ni Iya ni Tekla. ipinaparating nya na galit xa. sa mukha namnan ni Iya kitang kita na masaya pa sya dahil sa kanyang pag tawa. kahit sa mga kilos natin meron din sika na dapat intindihin. hindi lang sa lumalabas sa ating mga bibig. meron din tayong mga gustong sabihin na sa kilos lang pwede ng malaman. 7/2/2014 12:10:07 am
sa aking panonood at pakikinig sa palabas ni iya at tekla gumamit sila ng balbal na salaita. bukod sa Balbal may mga ginamit pa cla kagaya ng Sosyalek, Idyolek, Pormal at iba pa. nasapansin ko sa mga pag kilos nila ung mga gusto nilang ipahiwatig kagaya ng pag taboy sa kamay ni Iya ni Tekla. ipinaparating nya na galit xa. sa mukha namnan ni Iya kitang kita na masaya pa sya dahil sa kanyang pag tawa. kahit sa mga kilos natin meron din sika na dapat intindihin. hindi lang sa lumalabas sa ating mga bibig. meron din tayong mga gustong sabihin na sa kilos lang pwede ng malaman.. 7/2/2014 12:15:31 am
ang unang title ng pambansang awit ng Philippines ay Marcha Nacional Filipina
Christine Isidra May M. Alsim (1-AB-Psych)
7/2/2014 01:48:56 am
Sa aking napanuod na maikling palabas na nagbigay kulay na sina Tekla at Iya ay dalawang komedyante , Gumamit sila ng wikang balbal o wikang kalye "Beki Words" . Lalawiganin, ang mga salitang animo'y pang Bisaya. Tulad ng pagsasabi ni Tekla sa salitang "date" ni binibigkas nya bilang "dit". at Kolokyal naman dahil sa mga salitang binibitawan ni Teklay kay Iyah na tulad ng "My God your getting on my nerve". At Di-formal dahil gumamit sila ng wika na ginagamit sa pakikipag komunikasyon sa ka-edad
J Robert Sons Ortiz I BSBA - MA
7/3/2014 09:16:36 pm
TEKLA AND IYA
HIDALGO ANGEL. I-BSHM-TOURISM
7/3/2014 09:50:29 pm
Ang Lupang Hinirang ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Marcha Filipina Magdalo ang unang panalan nito ngunit binago at naging Marcha Nacional Filipina matapos hinirang ito bilang pambansang awit ng Unang Republika ng Pilipinas.
Queni C.Llandelar I-BSHM Tourism
7/4/2014 07:52:33 pm
Ang "Lupang Hinirang" ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Marcha Filipina Magdalo ang unang pangalan nito ngunit binago at naging Marcha Nacional Filipina.
Ellaine Cardoza I-BSBA(MA)
7/6/2014 11:20:55 pm
BAKIT NAGBABAGO ANG WIKA ?
Angel Hidalgo I - BSHM - TOURISM
7/7/2014 08:53:42 pm
Ayon sa aking napanuod. Oo di nagamit ng sariling wika si Dr. Jose Rizal sa pag gawa ng nobela dahil ang nobelang kanyang ginagawa ay para sa Kastila at hindi para sa mga Pilipino. Sinabi sa unang palabas na napaka tanyag na kataga ni Rizal ang "Ang hindi marunong mag mahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda." Ibig sabihin nito ang hindi nag mamahal sa pamamagitan na hindi pag-gamit sa kanyang native na salita ay parang hindi siya proud at parang hindi niya minamahal ang sariling bansa nya ng tapat at ito ay pagtataksil at ang pagtataksil sa bayan at sarili ay kinumpara nya na mas masahol pa sa mabaho at malansang isda. Sabi ni Lourd hindi niya raw daw ramdam ang Buwan ng Wika. Bakit nga ba? Simple lang dahil etong bansang Pilipinas ay hindi na puro ang pagsasalita ng Tagalog. Tama ba ko? Meron akong napanuod na episode na hindi marunong mag salita ng Tagalog ang bata pero hindi naman siya Amerikano. Bat ganun? Hindi dapat ganyan ang pinapairal natin. Kung kinakahiya mo ang sarili nating wika dapat hindi ka dito sa Pilipinas nakatira dahil para mo na ring kinakahiya lahat ng pagkatao mo. Marami tayong mga bagong salita tulad ng "Haller" at "Churva". Isa sa mga salita na kinaiinisan ni Lourd na gusto niya raw ipasagasa sa rumaragasang bus at gusto rin niya mag karoon ng Death Penalty para sa mga nagamit nito kaso ang lenggwahe daw ay isang malaking malaking organismo. Hindi maganda ang mga bagong salita na naimbento sa kasalukuyan. Hindi na natin ito mababago kase ito ay mabilis na kumalat at madalas na ginagamit ng indibidwal.
Sta.Ana,Durail M.
7/7/2014 11:17:43 pm
sa pagkakaintidi ko sa pinanood ng aming guro ay ang mga karakter ay gumagamit ng ibat ibang uri ng wika kung san napapatawa nila ang mga manonood at kahit papano ay my mga aral din naman dito kahit na gumagamit ng balbal pa ito dahil hindi naman sa lahat ng oras ay kailangan maging pormal para lang masabi na kagalang galang na tao.hindi naman kailangan pilitin at baguhin ang mga pananalita kung saan ka komportable at di kailangan magpanggap.dahil ito ang ating personalidad.
Kristelle Anne S. Limaco (I-BSHM-HRM)
7/9/2014 10:11:51 pm
Sa aking palagay tungkol sa aking napanuod na maikling palabas na ginawa ni lourd de vera na tungkol naman sa ating kasaysayan,ni gat jose rizal. Hindi siya naniniwala sa mga nangyari noong unang panahon na kaya naman ito ay kanyang binabatikos na kung anu anung mga di pormal na salita ang kanyang ginamit. Yun lamang po salamat.
Pennsyl R. Salvania(I-BSHM-TOURISM)
7/10/2014 09:12:50 pm
Ayun sa aking napanuod na maikling palabas na si lourd de vera hindi daw niya ramdam yung buwan ng wika kasi hindi daw nag sasalita ng purong tagalog. hindi daw siya naniniwala sa mga ngyayari noon. tapos ayaw din ni lourd yung mga salitang churva at kung ano pang balbal. ayun lang po salamat po.
Emilie Pialan
7/10/2014 11:33:18 pm
Bakit nga ba nagbabago rin ang wika kapag umunlad ang kultura? 7/11/2014 12:19:52 am
Matapos kong mapanood ang maikling video ni Lourd De Veyra, napaisip din ako kung "Bakit at Paano nga ba nagbabago ang Wika?" Ngunit doon ko din mismo nalaman ang mga kasagutan sa kanyang maikling pagsasadula. Kasabay ng pagunlad ng bansa ang pagbabago ng wika. Ngunit ang pagbabago nito'y hindi sa mabuti at maayos na gawi, sa halip, ay lalo lang itong nagiging pangit sa pandinig ng iba sa atin. Sang ayon ako sa opinyon ni Lourd na iyon. Dahil yun naman talaga ang realidad na nangyayari sa ating lipunan ngayon.
Jona Jane Eusebio (I-BSHM-TOURISM)
7/11/2014 11:09:46 pm
Ayon kay Lourd De Vera, bawat taon nagbabago at nadadagdagan ang ating wika. Sinasabi niya rin na nakakalimutan na ng mga tao ang "BUWAN NG WIKA" . Sang-ayon ako sa kanyang sinabi dahil sa panahon ngayon . iilan lamang ang nagdiriwang ng "BUWAN NG WIKA" , kadalasan pa ay sa mga paaralan.
Cristine Joy Bagaoisan Santos (I-BSHM-TOURISM)
7/12/2014 02:23:38 pm
Sa napanood kong WOTL ni Lourd De Vera. Medyo napaisip ako, Bakit nga ba nauuso ang pagiimbento ng mga salitang hindi naman natin nakagisnan? Bakit hindi natin kayang manatili sa ating sariling wika. Ang mga salita bang "churva" at iba pa ay maganda bang pakinggan? O gusto lang nating maging "UNIQUE"dahil tayo lang ata ang bansang hindi mapanatag sa isang wika? Isipin mo, Sa susunod na henerasyon, makikilala pa ba ang tagalog na ating wika? Baka sa panahon na iyon, patay na ang ating wika. sa aking opinyon, Isa sa dahilan kaya nababago ang ating wika ay ang mabagal na pagunlad ng ating bansa, Ang pagdami ng populasyon ng mga mahihirap. Laganap na ang mga jejemon at bekimon, kahit saan ka tumingin hindi matatapos ang iyong araw na wala kang makikitang gantiong mga klaseng tao. ito ba talaga ang dapat na mangyari sa realidad? papaano makikilala ang ating bansa kung iba't iba ang lenggwahe na ginagamit natin? kung tutuusin, kaya pa natin itong maagapan, Disiplina lang ang ating kailangan :) Yun lamang po. salamat.
Salvania,Sidney R. (I-BSBA-MM)
7/12/2014 03:34:07 pm
Pag ka tapos ko mapanood ang video ni Lourd De Veyra,Napa isip din aq kung bakit nga ba gusto nga mga puti na maging itim at gusto ng mga itim na maging maputi dahil siguro gusto nila gumanda ang mga kutis nila pero di sila maging kuntento kung anung merung kulay sila. Pangalawa Paanu nga ba nag babago ang wika dahil kay lourd nalaman ko kung paano dahil sa maikling video niya naipakita niya kung paano nag babago ang wika dahil habng umuunlad ang bansa at habang nag babago may ibat ibang wika ang mga naiimbento ng mga kabataan. un lang po. :D
Hilaria, Marie Jean P. II-BSBA-MA
7/12/2014 04:04:53 pm
Takdang-Aralin bilang 2:
Ella Mae C. TeƱido (I-BSHM-TOURISM)
7/12/2014 06:53:57 pm
Sa napanood kong isang makahulugang video ni Lourd De Veyra madami akong naunawaan, bakit nga ba tayong mga Pilipino ay likas na inggetera/inggetero? sabi nga ni Lourd ang mapuputi gustong umitim at ang maiitim ay gustong pumuti isang katangian ng Pilipino na hindi na maalis satin hindi tayo marunong "MAKUNTENTO" mahilig tayong makisabay sa kung ano ang uso kaya ang nangyayari nakakalimutan natin kung ano ang tunay na atin.
Kit Angelou Pantorilla (I-BSHM-HRM)
7/12/2014 06:58:58 pm
Ang palabas na inyong ipinanood ay nagpapakita lamang ng mga wikang hindi ginagamit ng maayos. Katulad ng babalang "Bawal tumae" Sa halip na "Bawal Dumumi" ang gamitin mas pinili pa rin iyon ng tao dahil doon sila sanay.
Caryl Joy Parate I-BSBA(MA)
7/12/2014 09:45:47 pm
Maganda ang menshe ng mga video ni lourd de veyra . tinutulungan nito tayo kung pano mamulat sa katotohanan , oo Pilipino tayo , isang pilipinong mahilig sumabay sa uso kung saan hindi na natin napapansin ang tunay na nanggaling sa atin tulad ng isa nyang video " BALAT SIBUYAS " may mga tao na hindi na nakuntento sa kung anong kulay ang mayroon sila MGA MAITIM NA GUSTONG PUMUTI , MGA MAPUTI NA NAIS NA MAGING KAYUMANGGI .. pag gamit o pag papahid ng kung anu-ano sa balat .na kung minsan ay nagkakaroon pa ng hindi magandang resulta
Ana Carolina Gamba | I-BSBA MA
7/12/2014 09:49:28 pm
“Word of the Lourd”
Lance Chloe Bosquillos I-BSHM (Tourism)
7/12/2014 10:14:31 pm
Putim, kung iisispin bakit nga ba kase ang mga mapuputi gusto umitim at ang mga maiitim gustong pumuti.Lalo na sating mga pinoy siguro nga sa ugali nating yan nagmula ang mga komplikadong problema ng bansa. Yung tipong meron naman tayo pero gagaya at gagaya padin ng sa iba .Katulad na lang ng wika natin meron naman tayo pero mas inaaral pa din natin ang wika ng mga dayuhan. At sa panahon natin ngayon ni hindi mo nga mabilang ang mga nagsasalita ng TAGLISH pero kung iisipin diba tila pambabastos ito sa ating sariling wika. Alam naman natin na ang wika ay may masistemang paraan ngunit bakit sa henerasyon ngayon balewala ito. Alam naman natin na ang wika ay naiimpluwensyahan sa paglipas ng panahon . Nagsimula sa Tagalog biglang naging Pilipino at naging Filipino at ngayon may mga jejemon, bekemon at kung iba iba pa. Tama ba to na ginagawa natin pinapatay natin ang sariling wika.Siguro nga kung buhay pa si rizal pati siya naimpluwensyahan na ng henerasyon ngayon. At meron pang isang ugali ang pinoy na di ka ayaaya ang pagiging Sensitive , yung tipong may marinig lang na masama tungkol satin na galing sa dayuhan galit agad pero ginagawa din naman natin yun sa mga dayuhan sa bansa natin. Yung mga kinagagalitan nating ginagawa nila sa atin. Magulo no? Yan ang pinoy eh, Malabo.
Ella May Alcantara I-BSBA MA
7/12/2014 10:22:33 pm
Nagbabago ang wika dahil sa modernong sibilisasyon at kasabay nito ang pag-unlad ng wika at paglitaw ng ibat-ibang naimbentong salita tulad na nga lang ng "churvaloo" nabanggit sa WOTL video. Sa aking napanood nman na Balat Sibuyas nababago ang wika sa pamamagitan ng pagpuna sa atin ng kritiko, nababago dun ang wika kung pano ang pagiging pagtanggap natin ng salita at pagbibigay natin ng pansin sa wlang kwentang bagay. At dahil nga sa modernong panahon ngayon miski maliliit na bagay tulad ng ating kulay ay binibigyang pansin at ginagawa pang problema. Bakit nga ba karamihan sa ating mga pilipino binibigyan pansin pa ang ganoong kaliit na problema. Dahil ba sa sa tinatawag na "Racial Discrimination" na kapag sinabing maitim ay ang ibig sabihin ay marumi at madungis at kapag sinabi namang maputi ay malinis maganda at mas nakkataas kesa sa maiitim. Sa makatuwid nagbabago dun ang wika dahil nagiiba ang perception mo sa paghahalintulad ng maputi at maitim. Yun lamang ho at maraming slamat!
John Nico D. Sajul (1-BSHM-HRM)
7/12/2014 10:25:57 pm
Sa napanuod namin na Word of the lourd ni Lourd De veyra. Bakit ba tayo gumagamit na mga salitang di atin? Bakit kaya tayo paiba iba ng linggwahe? Kahit meron naman tayong sariling linggwahe. Sa akin opinyon kaya di naunlad ang ating bansa o dahilan kaya nagbabago ang ating wika ay ang mabagal na pag unlad ng ating bansa. Nag kakaroon din tayo ng mga "JEJEMON" at "BEKIMON" kaso dapat makuntento tayo at dapat kilalanin natin ng lubusan ang ating linggwahe at iyon ay "FILIPINO" kasi tayo mga Pilipino mahilig tayo mang gaya o makisabay sa anung uso kaya nakakalimutan natin ang sariling wika. Kaya ngayong buwan ng wika ngayong Agosto sana muli natin balikan ang ating wika at kilalaning mabuti ang ating wika at kahit papa anu wag sana natin kalimutan kasi ito ay mahalaga sa atin at sana sa buwan na ito maging mahalaga ulet sa ating mga Pilipino.
Queni C. Llandelar (I-BSHM-TOURISM)
7/12/2014 11:31:46 pm
Paano ba naipapakita ang wika at kultura nating mga Pilipino sa kasalukuyan? Nakakaapekto ba talaga ito sa pagbabago ng wika? Ayon sa napanuod namin na WORD OF THE LOURD, tayong mga Pilipino pabago-bago ng gusto. Kagustuhan na nakakaapekto na man sa pagbabago ng ating wika. Bakit nga ba hindi tayo makuntento? Tayong mga Pilipino, pag maitim gustong pumuti at pag maputi gusto namang umitim. Yung totoo? Ang gulo diba? At sino nga bang Pantio Pilato ang nakaimbento ng mga salitang "haler", "churva", "churvanism" at iba pa? Tayong mga Pilipino sa kagustuhang umunlad at sa kagustuhang sumabay sa uso kung anu-ano na ang naiimbento. Dahil sa mga kagustuhang ito, nagagawa nating gayahin ang iba. Nagagawa nating iadapt ang wika at kultura ng iba sa halip na tangkilikin ang sariling atin.
Noche, Abiel I. (I-BSHM-HRM)
7/13/2014 12:47:46 am
Sa aking panonood ng tatlong mag kakaibang tema ng " Word Of The Lourd" unang episode ay pinamagatang "Putim". Ang tema ng episode na ito ay tungkol sa kagustuhan ng karamihan sa ating mga Filipino na maging maputi ang kanilang kompleksyon. Dahil sa kagustuhan ng karamihan na pumuti samo't saring mga produktong pampaputi ng balat ang lumalabas sa merkado. Dahil sa kagustuhang ito nakaisip ang mga karatig bansa na gumawa ng tsokolate na ipinangalan sa atin na tinawag na "Filipino" dahil sa kataga nilang "Brown in the outside,White in the inside" na sumasalamin naman sa ating mga Filipino.
Blessy Isabelo
7/13/2014 01:27:43 am
Ayon sa video ni Lourd De Veyra. Nagpapakita ito ng realidad ng buhay.Kung saan ang mga tao ay walang kakuntentuhan sa kanilang sarili.Ang mga pinoy ay likas na kayumanggi pero pinagpipilitan nilang pumuti.Ang hilig natin sa nga branded o imported na mga damit at bag.Sapatos,perfume,make up at kung ano ano pa.Dahil sa pagtangkilik natin sa produkto ng iba.Mas kumikita sila kase sa sarili nating bansa.At bukod pa rito,may mga tao na gaya gaya.Umiidolo sila ng mga sila ng singer at mga artista sa ibang bansa.At ginagaya nila iyon.Ang k-pop,napilit kinakanta ng mga pinoy kahit hindi naman nila alam ang kahulugan non.Marami sana tayong maitutulong sa ating bansa kung patuloy natin tatangkilikin ang ating sariling produkto at pagyayamanin at lilinangin ang ating wika.Ngunit sa halip na linangin ang ating wika tungo sa mas maayos ng komunikasyon.Hindi iyon nangyayari dahil ang ating salita ay parang nag evolve sa kung ano anong wika katulad ng lengwahe ng mga bakla o bekimons,may jejemon din.At ang mga batang hindi pa nakakatapos ng kulehiyo ang BHOZXS na agad.Walang pag unlad ang nangyayare.Ang problema kase satin,sabay lng tayo ng sabay sa agos.Wala tayong sariling GOAL o direksyon sa ating buhay kaya kung ano ung uso un nlng,parang Go push mo yan.
Peradilla, Gracezl Xyza A. (BSBA-MM)
7/13/2014 03:21:27 am
Para sakin ang video ni Lourd ay sumasalamin sa kung papaano ang Wika natin ay umuusad o nagbabago. Isang aspeto ang pinakita sa video ay ang hindi pagiging kuntento ng mga pilipino sa mga bagay na meron sila. Ang mga maitim na konpleksyon ng balat na pilit pinapaputu. Marahil ang iba sa atin ay nagtataka kung anong klase nga bang mentalidad ang meron ang mga tao at naiisip pa nilang gawin yon, simple lang naman HINDI MARUNONG MAKUNTENTO. Ganon na rin sa ating wika hindi sapat para satin ang mga salitang meron tayo kaya nagagawa natin iadopt o hiramin ang mga ito galing sa ibang bansa. Para lang siyang pagbili at pagtangkilik ng ferrero imbis na hany tsokolate. Pangalawa ay tungkol sa teknolohiya dahil sa mga ito at sa social media, nakakalimutan na natin ang tinatawag na mother tongue. Mas nakukuha na natin ang mga salitang nasa twitter, facebook at etc. Tulad nalang ng "selfie, ootd, qotd & etc" Pangatlo ay ang pagiging sobrang ambisyosa at ambisyoso ng mga pinoy, hindi masama ang maghangad ngunit tandaan lamang na ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa pupuntahan. Kahit makadating ka sa ibang bansa, wag na wag mong kakalimutan na pinoy ka. Wag na wag mong ipagpapalit ang wila natin sa wika nila dahil kahit anong mangyari, produktong pinoy ka!! :) Para pagsamasamahin lahat.. Ang wika ay nagbabago dahil sa patuloy na pagsabay nito sa agos ng buhay ng pilipino.
Dianne Deblois I-BSBA/M.A
7/13/2014 12:35:49 pm
Sa aking pagsusuri sa maikling video ni Lourde de veyra.. Sa pamamagitan ng videong ito .. Napaisip ako kung paano at bakit nagbabago ang wika. Sa katunayan , nabigyan ako ni Lourde ng ideya kung paano at bakit ito nagbabago. Ang kaganapan sa paligid ay nakakaapekto sa pagbabago ng wika. Katulad na lamang ng sa video. May mga tao na gusto maging maputi at may gustong maging maitim . Sa sitwasyong ito, nakakaapekto ang kapaligiran dahil dito nila binabase ang magiging itsura nila. Gaya na lamang ng wika. Kahit na may kinalakihan tayong wika ay pilit pa rin nating mas binibigyangvpansin ang ibang wika dahil gusto natin na sunod sa uso tayo. At binabase naten ang wika sa kung ano ang mas tinatangkilik ng tao. Isa ang kapaligiran sa nakakapagpabago sa wika ng tao. Isa pa, Ay wala tayong KAKUNTENTOHAN sa wikang mayroon tayo. dahil nakaugalian nating gumawa o bumuo ng wikang papatok sa tao gaya ng Jejemon, Bekimon at iba pa, at dahil don, nababago ang wika natin. Dapat tayong matutong bigyang halaga ang wika natin. Gaya na lamang ng sinabi ni Dr.Jose Rizal, "Ang di marunong MAGMAHAL SA SARILING WIKA ay mas masahol pa sa malansang isda.." Sa pakakahulugan ko ng sinabi ni Rizal.. Malinaw naman na sa panahon ngayon. ay napakaraming filipino ang kinakalimutan ang sariling wika natin.. at dahil sa kapaligiran. Ang dami kong natutunan sa videong ito. Yun lamang po.
Danielle Nazarene A. Balan I-BSHM/TM
7/13/2014 01:19:04 pm
Base sa aking napanood marami silang ginamit na wika. Nakakatawa at nakakaaliw. Gumagamit ng antas ng wika na tinatawag na "BALBAL o PANGAKALYE" Sa pamamagitan ng komunikasyon naipapahayag nila ang gusto nilang iparating sa atin at yun ay ang magpasaya ng tao.
Danielle Nazarene A. Balan I-BSHM/TM
7/13/2014 01:20:12 pm
Ang Lupang Hinirang ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Marcha Filipina Magdalo ang unang panalan nito ngunit binago at naging Marcha Nacional Filipina matapos hinirang ito bilang pambansang awit ng Unang Republika ng Pilipinas.
Danielle Nazarene A. Balan I-BSHM/TM
7/13/2014 01:34:13 pm
Sa napanuod namin na Word of the lourd ni Lourd De veyra, maraming nagbago sa kultura ng ating bansa. Sa unang video na aming napanuod ay tungkol sa pagpapaputi. Dati rati tayo ay kuntento na kung anong meron sa atin. Ngayon nagagawa na natin tumuklas ng mga bagay upang tayo ay mas lalo pang gumanda ang ating balat. Mas lalo nating tinangkilik ang produkto ng ibang bansa kesa sa sarili nating gawa. Nagawa narin nating baguhin ang wikang ating ginagamit. Nauso na ang jejemon at iba pa. Ang sinabi na ni gat Jose Rizal "Ang di marunong MAGMAHAL SA SARILING WIKA ay mas masahol pa sa malansang isda.." Pero tayong maga pilipino ay nakakalimutan ng gamitin ang sarili nating wika. Hindi na natin ginagalang ang ating wika. Nakakalimutan natin bumalik tanaw. Nagiging mababa ang tingin satin ng ibang bansa dahil tayo ay nagpapaalila sa kanila. Pero para sa ating mga pilipino ang mga domestic helper ay mga bayani ng ating bansa. Higit na talentado at matatalino ang mga pilipino.
Shiella Mae Y. Sevillo I-BSBA MA
7/13/2014 08:30:27 pm
Para sa akin ang ipinahayag ni Lourd sa kanyang video ay kung paano ito lumalago sa isang bansa at paano ito nakikilala ng lahat.Sa panahon ngayon mas madami na ang balbal na salita at kahit na may english na mas madami pa rin sa atin ang nagamit ng sariling wika kahit na Jejemon man ito o bekimon oo masama man ito pero sa ginawa ni Lourd na viseo pinapakita niya kung paano ang takbo ng isip ng mga pilipino at tayo lang ang bansang napakaraming klase ng salitang tagalog.
J ROBERT SONS S. ORTIZ I-BSBA MA
7/13/2014 09:35:32 pm
Paano nga ba nagbabago ang ating wika ? Sinasabing dahil ito sa pagunlad ng ating ekonomiya . Tuna nga ba tayong umuunlad ? Sa aking pananaw . hindi dahil sa tayo ay tunsy na umuunlad , marahil na rin sa pakikisalamuha natin sa mga banyaga sa ibang bansa o sila ang dumadayo rito sa atin . Maraming salita ang nabubuo dahil rito . Dito sa ating bansa uso ang mga salitang mga pinaghalo o pinagsama . Isang patunay na nagbabago ang ating wika kasabay ng pag agos ng buhay nating mga pilipino at dahil na rin siguro sa marami tayong natutunan sa paglipas ng panahon . Sa aking palagay hndi namn sa nagbabago ang ating wika ito ay mas angkop nating sabihin na NADADAGDAGAN. Sa aking pannunuod ng video ni Lourde , pinakita dito ang hndi pagiging Makuntento- ng mga Pilipino kung anong meron tayo , Sari saring pampaputi ang ginagamit nating Pilipino para lang makamit natin ang gusto nating kulay. . Parang kinukumpara ito sa Wika . Sari saring mga salita ang lumalabas ngayon buhat nadin nang mga nabubuo natin , marahil siguro sa mga salitang na na aadopt natin mula sa mga salitang banyaga . Hindi mali na madagdagan ang ating mga salita dahil patunay ito na nadadagdagan ang ating kaalaman at kaisipan . Na lumalawak ang ating kaalaman at consciousness sa Mundo na ating ginagalawan ang Mahalaga ay hindi natin Makakalimutan ang wikang sariling Atin na kahit anong mangyare , magbago man o madagdagan ang ating wika , meron tayong sariling identity pagdating sa Wika , Ang Wikang FILIPINO
Faye M. Marinez (I-BSBA-MA)
7/13/2014 09:52:49 pm
Ayon sa aking maunawang pagkaka-intindi sa Word Of The Lourd.
Pauline B. Laguerta
7/13/2014 09:55:16 pm
Sa aking pagsusuri sa palabas na "Word of the Lourd" ni Lourd De Verya naipapakita dito kung paano nagbabago ang wika. Tulad nalang ng mga nangyayari sa ating paligid sa pamamagitan nito unti unting nagbabago ang ating wika. Sari saring mga salita na ang ating mga naririnig na lumalabas sa ating mga bibig. Sabi nga ang mga Pilipino ay mahilig tumanggap/gumaya o magAdopt ng mga salita ng ibang bansa. At dahil na nga rin sa mga teknolohiyang ating nagagamit sa kasalukuyan nagbabago din ang ating wika buhat nito. Sa kadahilanang gustong sumabay sa takbo ng buhay natututong manggaya ang mga Pilipino ng patok sa iba't ibang bansa. Tulad nalang rin ng ating mga kulay kalimitan sa mga Pilipino sa kasalukuyan ay gumagamit ng iba't ibang mga gamot at sabon upang pumuti lamang samantalang ang tunay naman nating kulay ay kayumanggi.
Joana Rose M. Bernardo ( I-BSBA-MA )
7/13/2014 10:17:49 pm
Sa aking pagsusuri sa tatlong tema ng Word of the Lourd at tungkol sa pagbabago ng wika, hindi lang sa wika pati sa kagustuhan ng mga Pilipino. Sa kagustuhan ng mga Pilipino, ang mga PIlipino ay mahilig sa mga imported at mahilig makiuso sa ibang bansa na kung saan masasabi natin na ang mga Pilipino ay World class. Sa katawan natin kapag maitim ka gustong magpaputi kaya nagamit ng mg sabon, lotion o nagpapaderma para pumuti. Hindi tulad noon, yung mga ninuno natin kayumanggi ang kanilang katawan at kuntento na sila doon. Dahil, nagagandahan sila sa kanilang kulay sa balat. Sa wika naman, kung noon ang ating alphabeto ay abakada at alphabeto mula sa kastila ngayon ay may ibang iba na tulad ng bekimon, jejemon, at wikang pangkalye. Sa mga wikang ito hindi man lang umunlad ang bansang Pilipinas.
Shaira Borcilango ( I-BSBA-MA )
7/13/2014 10:40:35 pm
BAKIT NGA BA NAGBABAGO ANG WIKA ?
Krisha May A.Lobos
7/19/2014 12:03:56 am
Sa videong napanood namin ni Lourd de Veyra pinapakita lamang nya kung gaano kabilis nagbabago ang wika depende sa henerasyon na meron tayo.Kagaya na lamang ngayon,mas patok o tinatangkilik ng mga tao lalo't higit ng mga kabataan ang mga salitang BALBAL na karaniwan lamang naririg dati sa mga kalye o kalsada.Mas nagkakaunawaan na ang mga kabataang nag-uusap ngayon sa paggamit ng ganitong klase ng pananalita..
BARRAMEDA, MONIQUE A. (I-BSBA-MM)
7/20/2014 12:33:52 am
Maria Lieza Schwiglhofer
7/21/2014 09:58:51 pm
Kaya nagbabago ang wika kasabay ng pag unlad ng teknolohiya kasi tayong mga tao sumasabay tayu sa uso o sa mga bago nating nakikita o naririnig,katulad nalang ng pagpapaputi ng balat,bakit madami sa pilipino ang nag papaputi dahil kasi alam nilang bagay sa kanila ang ganung kulay at dahil nakikita natin na yun na ang bago hindi na natin na aapreciate yung sariling natin kulay kaya kaylangan pa nating mag gastos o gumastos para lang makasabay tayo sa uso.Ang teknolohiya natin malaki ang pakinabang pero pag sobra na masama na kasi ang teknolohiya na yun nakita at napapasin natin ngayon. YUN LANG PO MARAMING SALAMAT :)
Sidney Salvania(I-BSBA-MM) Repost lng po assignment no.1
7/21/2014 10:04:04 pm
Ang aking obserbasyon sa video na ito ang mga ginamit nila na antas ng wika ay Balbal at Di-formal
Melissa Fabian (I-BSBA-MA)
7/21/2014 11:10:03 pm
Ang aking pagsusuri sa episode ng "Word of the Lourd" ay kapansin pansin na ang WIKA ay masasabi ng isang mapakalaking issue sa ating bansa. Dahil na rin sa impluwensya ng Teknolohiya ang ating sariling Wika ay nakakalimutan na dahil gusto nating maadopt yung wika ng ibang BANSA. Kaya di umuunlad ang Kultura natin kasi ginagaya natin yung Kultura ng ibang bansa. Saka sabi nga ni Lourd " Ang mahirap sa Pinoy walang sigurado, walang plano.... " Dahil tayong mga Pinoy ay mahilig sa BAHALA NA. Saka ang "Lenggwahe ay parang isang higanteng higanteng organismo na may sariling buhay" na masasabi kong totoo dahil ito ay Dinamiko o may buhay na Nagbabago sa bawat araw na dumadaan. Ang lenggwahe ay repleksyon ng Lipunan na kung ang wika ay di umuunlad ano pa kaya ang Kultura diba?
Mayo Clinic
4/30/2020 08:35:07 am
Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa Leave a Reply. |